PSN Opinyon ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Mga misis papayagang gumamit ng maiden name

HINDI ko alam kung ano ang opinyon ng iba nating kababayan pero para sa akin, ang paggamit ng isang babaeng nag-aasawa sa apelido ng kanyang kabiyak ay tanda ng kanilang pagiging iisa. Sabi nga ng Bible: “The two shall become one.” At komo ang lalaki ang itinalaga ng Dios na ulo ng pag-aasawa, apelido niya ang gagamitin ng babae.

Kaya kung ako ang tatanungin, hindi ako pabor dito ma­liban na lang doon sa mga sumailalim sa marital annul­ment. Pero kung nakararami ang may gusto, sino naman ako para tumutol.

Minamadali na umano ng Senado ang panukalang batas na naglalayong muling gamitin ang maiden name o pangalan sa pagka-dalaga ng mga babae.

Ang Senate Bill 1547 ay akda ni Senator Nancy Binay­, ay ginagawang batayan ang Article II, Section 14 ng 1987 Constitution na kumikilala sa papel ng mga kababaihan sa nation-building at ang pagtiyak sa pagkakapantay ng mga babae at lalaki sa harap ng batas.

Ani Sen. Binay, base sa probisyon ng Konstitus­yon, dapat gawing madali at mura ang proseso ng panu­numbalik ng dating apelido ng mga babaeng may asawa na. Hindi lamang ang mga babaeng sumailalim sa marital annulment ang puwedeng  gumamit muli ng maiden name kundi kahit yaong hindi hiwalay.

 Kapag naging ganap na batas ang panukala ay tata­waging “Reversion to Maiden Name Act”.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Ang maaring maghain ng petisyon sa local civil re­gistry office ng mga city at municipality  ay ang mga babae na “validly married” para muling magamit ang kani­lang pangalan sa pagka-dalaga.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: