PSN Opinyon ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

‘DPWH-Bataan district nakatikim ng sermon!’

NAKATIKIM ng matinding pangaral ang Department of Public Works and Highways (DPWH)-Bataan District mula sa main office. 

Ito’y dahil sa nakaambang panganib sa mga residente ng Malimatac, Hermosa, Bataan dahil sa kapabayaan ng distrito. Apat na buwan nang kinatatakutan ng mga motorista ang nakatiwangwang na tulay sa nasabing lugar.

Ngunit imbes na ayusin ang paggawa ay iniwan na lang na nakatengga. Kaya sa halip na ginhawa ang madama, parusa at matinding trapik ang resulta.

Isa pa, wala man lamang ilaw ang mga iniwang road signs sa ginagawang proyekto. Kaya tuwing kakagat ang dilim ay mistulang manghuhula ang mga motorista sa daan. Bahala kayo sa buhay n’yo kung sesemplang kayo!

‘Di maintindihan ng mga residente, bakit pinatagal ng lokal na pamahalaan. Para ano? May masabing ginagawa sila para sa bayan? Kaya sigaw ng Kilos Pronto sa mga natutulog na DPWH personnel, pukaw na mo!

Dahil mukhang nangungulangot lang ang nanganga­siwa sa proyekto na si DPWH Engr. Erlindo Flores, dumi­retso na kami sa nakatataas.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Agaran kaming nakipag-ugnayan kay DPWH Undersecretary Dimas Soguilon upang tugunan ang nasabing problema.  

Hindi kami nadismaya sa kanyang sagot. Wala nang marami pang satsat! Marching order niya kay Engr. Flores, ayusin ang ginagawang proyekto at bigyang impor­tansya ang kaligtasan ng bawat isa lalo na ang mga motorista -- kilos pronto!

Susmaryosep, nung marinig ang boses ng kanilang nakatataas na opisyal, tila nawala ang pagkalasing sa tulog ng inhinyero sa Bataan. 

Kung hindi pa ipinalabas sa publiko ay hindi pa magigising sa pansitan ang mga hijo-de-putong pabaya!

Nakakahiya naman sa mga motoristang umaasa ng kaginhawahan! Sila pa talaga ang gumagawa ng paraan upang maiwasan ang tawag ni kamatayan.

Kaya ‘wag nang tutulog-tulog sa pansitan lalo na sa mga nasa DPWH ng Bataan! Iba na ang administrasyon ngayon kaya kumilos na kayo. Umaksyon nang Kilos Pronto!

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: