^

PSN Opinyon

Mali ka, Isabel Lopez

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

IPINARAMDAM ni Maria Isabel Lopez, ang nalaos na aktres kung gaano siya ka abusado ng buksan niya at daanan ng kanyang sasakyan ang designated lane para sa mga delikado este mali delegates pala ng Association of Southeast Asian Nations Summit dyan sa EDSA.

‘Wala dapat mangibabaw sa batas...dahil ‘no one is above the law,’ sabi ng kuwagong pinagpapawisan.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kung ano dapat ang parusang ilalaan sa ginawang paglabag ni Lopez dapat itong ipataw dahil walang palakasan sa mga panahon ngayon.

Sabi nga, walang bata o matanda, may baktol o wala, tomboy o bakla, bungal o pustiso basta may nilabag kang batas dapat kang parusahan.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, lumabag ang laos na aktres sa disregarding traffic signs, reckless driving at violation ng Anti - Distracted Driving Act.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nabuwisit sila sa ginawang pag-post sa social media ni Isabel parang ipinagyayabang pa niya ang kanyang ginawa kahit mali ito dahil inalis pa niya ang road cones para makadaan sa ASEAN lane sa EDSA at sinundan pa daw siya ng ibang mga tsuper.

‘Kaya sigurado hindi lang siguro siya ang mapaparusahan pati ang mga sumunod na mga sasakyan sa kanya dahil si­guradong makikita ang mga plate numbers nila sa mga CCTV cameras,’ sabi ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may mga gustong kanselahin ang driver’s license ni Isabel sa ginawa niya.

‘Ano kaya?’

Abangan.

* * *

P2,000 dagdag travel allowance

KAHIT usapan blues pa lang sa kongreso ikinatuwa ng ilang government official at employees nito ang napabalitang dagdag travel allowance na P2,000 imbes na P800.00 na umiiral sa ngayon.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa ginawang House Resolution 243 ni ABS partylist Rep. Eugene Michael De Vera, na gawin P2,000 ang travel allowance ng mga taga - gobierno para naman maging sapat sa mga gastusin lalo’t tumataas ang lahat ng presyo ng mga bilihin, pamasahe at marami pang iba.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi na sapat ang P800.00 a day bilang travel allowance ng mga opisyal at kawani ng gobierno dahil sa pagkain lang ay kulang na ito porke tatlong beses kumakain ang madlang people kada araw.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, oras na ipinadala pa sa probinsiya ang isang taga - gobierno tiyak kulang ang pera niyang P800 dahil marami itong gagastusin tulad ng bayad sa renta para tuluyan niya, pagkain at pamasahe.

‘Kaya may punto si Rep. De Vera.’ sabi ng kuwagong haliparot.

Mabuhay ka, Cong!

Abangan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with