PSN Opinyon ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Sereno, the Incorruptible

IPANALANGIN natin si Supreme Court Chief Justice Ma. Lourdes Sereno sa kanyang pinakamabigat na pagkikibaka sa buhay. Para siyang isang David na haharap sa higanteng Goliath na ang tanging sandata ay ang kanyang matibay na pananampalataya at pagibig sa Diyos.

Alam ko na sa mga kababayan nating nakauunawa ng katuwiran, pulos kathang-isip lang ang mga ibinatong alegas­yon ng katiwalian sa kanya. Hangga ngayon ay simple ang pamumuhay ng babaeng ito at maraming makapagpapatotoo na maraming positibong reporma ang naihatid niya sa hudikatura sa maigsing panahon ng kanyang panunungkulan.

Pero ang digmaang susuungin niya ay isang pakikihamok na pulitikal. Ang mga kalaban niya ay pawang kakampi ng mataas na pamunuang gusto siyang tanggalin sa puwesto para malayang maisagawa ang mga agenda nito na walang pagtutol. Isipin na lang na kung ang mailuluklok na Chief justice ay sunudsunuran lang sa Pangulo, paano pa masusupil ang mga pagmamalabis?

Si Sereno kasi ay kilala sa pagiging Misis “No Way” basta ang mga pabor na hinihingi sa kanya ay labag sa kanyang maka-Diyos na prinsipyo. Naikuwento nga niya kung ilang ulit niyang tinanggihan ang pabor ng matataas na tao kabilang ang Presidente at mga Senador. Wala siyang binanggit na pangalan at nauunawaan ko siya. 

Kung mananatili siya sa posisyon pagkatapos ng impeachment process o hindi na, ay Dios lang ang nakababatid. Pero ano man ang kahahantungan nito, tiyak kong ito ay mabuti at kalooban ng Dios. Sabi nga ng Salita ng Dios sa Romans 8:28: “All things work together for good to them who love the Lord and who are called according to His purpose.”

Natanong ko nga siya tatlong gabi na ang nakalilipas sa tanggapan ng Philippine Campus Crusade for Christ kung ano ang kanyang plano sakaling matalo siya sa laban. Aniya, hindi siya nagpaplano kundi ipinauubaya niya sa Panginoong Diyos ang lahat. Kung ano ang itakda ng Panginoon ay siya niyang sinusunod.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Kaya sa lahat ng mga Kristiyanong naniniwala kay Sereno, ipagdasal natin siya na magtagumpay sa labang ito na hindi para sa kanyang kapakanan kundi sa kapakanan ng demokrasya sa bansa na namimingit mawasak kung maghahari ang isang pamahalaang diktadurya.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: