PSN Opinyon ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Nunal(99)

KASYANG-KASYA si Cely sa culvert. Madilim sa loob. Walang tubig sa loob dahil kasalukuyan pang ginagawa ang drainage sa lugar.

Kinuha niya ang cell phone sa bulsa. Mabuti at nadala  niya ang cell phone. Tatawagan niya si Sir Robert! Kailangang malaman nito ang nangyayari.

Nakiramdam muna si Cely sa paligid bago pinindot ang number ni Robert.

Nag-ring ang phone ni Robert.

Sinagot ni Robert. Narinig niya ang “hello”.

“Hello Sir Robert, si Cely po ito.’’

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

“Cely, bakit ka tuma­wag?’’

“May apat na lalaki pong nagtungo sa bahay at hinahanap ang CD. Naghalughog po sa bahay. Ikinulong ako sa CR pero nakatakas po ako. Nasa isang imburnal po ako nagtatago ngayon. Hindi ko alam kung nasaan na ang mga humahabol sa akin.’’

Sandaling hindi naka­pagsalita si Robert.

Maya-maya nagbigay ng instruction kay Cely.

“Huwag kang aalis sa pinagtataguan mo. Tata­wagan ko ang PDEA chief para puntahan ang bahay. Mag-ingat ka Cely!’’

“Opo Sir Robert.”

Natapos ang pag-u­usap nila.

Nakiramdam si Cely sa paligid. Tahimik na tahimik.

Hanggang sa maka­rinig siya ng kaluskos.

Kinabahan siya. Nasundan yata siya!

Humanda siya. Papa­sok siya nang tuluyan sa imburnal at bahala na. Hindi siya magpapahuli sa mga humahabol sa kanya! (Itutuloy)

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: