PSN Opinyon ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

‘Eksklusibong panayam kay PDEA Director Aquino’(1)

ISANG pasabog ang mga kasagutan ni Philippine Drugs Enforcement Agency Director General Aaron Aquino sa aking programang BITAG Live, kahapon ng umaga.

Para sa pinakaunang salto ng Hot Seat sa BITAG Live, nakapanayam ko si Aquino hinggil sa mga sunod-sunod na drug operations na ikinasa ng ahensiya simula ng mailipat sa kanila ang responsibilidad ng mga operas­yon laban sa droga sa bansa.

Ibinunyag ni Aquino sa BITAG Live, mayroong mga very influential persons na umaarbor sa mag-inang si Yu Yuk Lai ang tinaguriang drug queen at ang anak nitong si Dianne Yu Uy. Sila`yung kamakailan lang ay trinabaho ng PDEA kasama ang grupo ng BITAG. Kinabukasan matapos ang ginanap na paglusob sa Correctional Insti­tute for Women (CIW) sa Mandaluyong sa bahay ni Dianne sa tapat mismo ng Malakanyang, pinutakti na ng tawag ang PDEA.

Bigating mga pangalan, ang mga sumubok na arborin at pakiusapan ang PDEA na aregluhin na lamang at ayusin ang kaso ni drug queen at drug princess. Ang naka­kalungkot dito, kasalukuyang nagtatrabaho sa gob­yerno, kilala, mayaman at maimpluwensiya ang mga putok sa buhong protektor ng mag-inang drug lords.

Maging si Aquino, nadismaya sa puntong ito. Kulang na lang sabihin niya, sa kapal ng apog, tibay ng mukha at sikmura nitong mga padrino ng mga nasa likod ng droga, hindi natatakot kahit na si President Digong na ang nakaupo.

Siyempre hindi ito alam ng Presidente na kasaluku­yang nasa labas ng bansa. Pero sigurado ako sa mga oras na ito, alam na niya ang mga personalidad ng mga umaarbor na `to at may hakbang na siyang gagawin laban sa mga `to. Dagdag ni Aquino, may koneksiyon si drug queen Yu Yuk apat na bigating drug lords sa National Bilibid Prison.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Malakas din ang impluwensiya ni Yu Yuk Lai sa CIW. Kasapakat niya ang mga security personnel at mismong warden sa koreksiyonal. Isang patunay ay sa surveillance at undercover operation na isinagawa ng PDEA at BITAG kung saan nakitang hindi dumadaan sa checking, frisking at inspection si Dianne at mga tao nito.

Ang mga bigas na ipinapasok sa loob ng selda ay idinadaan lamang sa backdoor ng walang anumang SOP at inspeksiyon. VIP ang treatment sa anak ni Yu Yuk Lai kung saan malaya itong nakakalabas-masok sa CIW. Ibinahagi rin ni Aquino ang isyu na sinasabi ni Dianne na planted daw ang P10 milyong drogang nakuha sa kanyang bahay, sa bias ng search warrant.

Pinabulaanan ito ng PDEA, kung hindi raw talaga kay drug princess ang mga nakuhang iligal na droga ay bakit kailangan pa silang suhulan nito ng dalawang beses. Limang milyong piso ang alok ni Dianne sa ahensiya na malinaw na tinanggihan ng PDEA. Iba pang pasabog ng PDEA at BITAG Live, abangan sa ikalawang bahagi ng kolum na `to.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: