PSN Opinyon ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Kapalpakan sa droga at trapik

Bakeeeet? Bakeeeet? Bigla kasing nag-resign itong si Gen. Dionisio Santiago, bilang boss-tsip ng Dangerous Drugs Board.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, mukhang dehins nagustuhan ang kanyang mga naging pananaw sa ilang mga naging programa ni Boss Digong laban sa droga.

Kaya ang nangyari kay Tata Diony sinibak siya ni Boss Digong kaya bilang ganti naghain siya nang pagkain este mali ‘irrevocable resignation’ pala sa Malacañang.

Sabi nga, sayang sa sandaling oras nag-goodbye si Tata Diony sa gobierno ni Boss Digong.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, maganda rin naman pakinggan at tingnan ang mga sinasabi ni Tata Diony, lalo  na ‘yung tungkol sa pagkakaroon ng “10,000 bed” mega drug rehab facility sa Nueva Ecija.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang balita nila isang retiradong colonel pa ang nagmamando doon, kahit hindi naman talaga kulungan yon. Ang siste mo nakukulangan si Tata Diony ng mga sinasabing “practical community-based  rehabilitation program” sa kampana este mali kampanya pala laban sa droga.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sabagay, ano nga ba ang pakialam noong hepe ng rehab doon? Ang laki na nga ng kaniyang bagong kulungan, este rehab center pala.  Problema  na ‘yun. Ang alam ko doktor din yung hepe, pero sa hayop nga lang. Hayup ‘nu! Hehehe.

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, Sobra nga ang laki ng lugar pero, hindi naman makakuha ng maraming adik, este mali pasyente pala.

Hataw din naman talaga ang ginastos mula sa donasyon ng mga mayayamang negosyanteng Tsino para matulungan si Boss Digong.

Congrats Mr. Pangulo sa matinding tiwala sayo ng madlang people around the world!

Ang tanong,  “Ngayon ano na, hijo?” Kayang - kayang suportahan ito ng ating pamahalaan?

Ika nga, pondo again!

Aba, mahigit daw apat na milyon pang adik ang naglipa sa ating lipunan.

Sabi nga, nakakatakot kung ganito karami pa!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, napansin lang nila na mukhang puro hiyaw, hataw at pananakot ang nangyayari sa ating pamahalaan. Wala naman talagang konkretong programa.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kaya nga siguro itong si Tata Diony, nagmarunong na rin. Masama palang pangunahan si Boss Digong.

Bakeeeet?

Naleche tuloy. Nabalagoong pa!

Kambiyo issue, buwisit talaga! Nakita ko tuloy itong trapik nga­yong araw. Parang kampanya sa droga, maraming putok, kulang sa tama!

Ang nakakapikon, gaganda pala ang daloy ng trapik sa Asean Summit. Hindi dahil sa wala  nang maraming sasakyan kundi may sistema silang ginawa.

Sabi nga, mukhang detektib este mali epektib pala.

Siyempre tutok marino ang mga traffic enforcer at mga pulis patola natin dito dahil kung hindi tiyak sa kangkungan sila pupulutin? Ano sa palagay ninyo?

Tirada ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dyan tayo magaling. Pakitang tao. Ayaw nating mapahiya sa mga bisita.

Sabi nga, next in hospitality nga ang mga Pinoy!

Perp huwag sana nilang makalimutan na nangangamoy lagi ang baho. Ayan na naman tayo. Paano naman pala ang ating mga basura?

Sabi nga,aka na lang iyan, baka  may mapikon. Hehehe!

Tanong - bakit hanggang ngayon hindi natin magawang ayusin ang trapik? Ang problema sa droga?  Wala pa tayong nakikitang sinasabing solusyon. Puro na lang eksperimento.

Ika nga, gradweyt na ng doctorate sa kawalanghiyaan ang marami dyan.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, una,  walang nakikitang pagbabago sa sistema ng MMDA. Ni hindi kayang disiplinahin ang ating mga drayber. Dahil kaya kung wala nang problema, wala nang korupsiyon sa kalye?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, para din problema sa droga ang problema sa trapik. Sa dami ng sasakyang naglipana sa kalye, tuliro na ang ating mga traffic enforcer.

Magandang mangako. Pag nakapikon ang madlang people sa Philippines my Philippines, ‘di takutin uli.

Pero hanggang kailan ito, Boss?

Abangan.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: