PSN Opinyon ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Kaso vs Dick

ANO ang motibo ng isang naghahabla? Para makamit ang hustisya, o kaya mapanagot ang sino mang opisyal ng pamahalaan na nandarambong sa kabangyaman ng bayan.

Magandang instrumento ang pagdedemanda para ituwid ang mali. Ngunit kung ang legal action ay may kakaibang motibo, tulad ng political vendetta, maling, mali ito.

Habang isinusulat ko ang kolum na ito ay

nagsampa ng kasong plunder si Senator Antonio Trillanes IV sa Office of the Ombudsman laban kay Senator Richard Gordon. Ang kaso ay tungkol sa diumano’y paggamit ni Gordon sa pondo ng gobyerno sa Red Cross at sa kanyang pangsariling interes.

Naisip ko lang, kung kayang walang hidwaan ang dalawang Senador na kapwa nagkapikunan sa pagdinig ng Se-nate Blue Ribbon Committee sa kaso ng drug smuggling na kinasasangkutan ng Bureau of Customs, magdedemanda kaya si Trillanes?  Malamang ay hindi. It took an agitated ego for Trillanes to file the case.

Tinawag ni Trillanes na Komite de Absuwelto ang lupon ni Gordon kaya inireklamo ni Gordon ang nakababatang Senador sa Ethics Committee. Nagkaroon ang dalawa ng umaatikabong bangayan.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Puwedeng technically, walang mali sa demanda. Pero kung minsan, may maling motibo na nag-uudyok sa tao na gumawa ng bagay in order to get even. Umabot umano sa P50 milyong threshold ang sangkot na pondo kaya pasok sa plunder ang kaso laban kay Gordon. Ang halaga ay ginamit daw ni Gordon sa kanyang kandidatura nang siya ay tumakbo sa pagka-pangulo.

Matagal na palang nangyari, bakit ngayon lang inihabla? Dapat, kung may nakitang irregular ang isang tao laban kanino man, tungkulin niyang magdemanda kaagad. Nakakalungkot pero ganyang palagi ang takbo ng politika sa bansa. Yung iba, kapag may political opponent, gumagawa pa ng malalimang research upang mahalukay ang kabulukan ng kanyang kalaban sa politika. Ngunit ano pa man ang motibo, kung may basehan ang kaso ay tanggapin na lang natin ito at bahala na ang inihabla na linisin ang kanyang pangalan sa proseso ng paglilitis.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: