PSN Opinyon ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Patay ang kabit na tomboy ni misis

(Unang bahagi)

ANG pagpatay ng tao (homicide) ay puwedeng maging murder at magkaroon ng mas mabigat na kaparusahan kung ginawa nang may pagtataksil (treachery). Ang kasong ito ni Robert ay nagpapaliwanag sa treachery.

Kasal si Robert kay Marie na isang elementary teacher. Nagtatrabaho rin sa school si Beth bilang janitress. Kilala itong tomboy at umuupa sa isang apartment at kinakasama ang siyotang si Stella.

Sa school ay nagpapakita ng malasakit si Beth kay Marie­ at kadalasan ay tumutulong sa mga problema ni Marie­ lalo kapag nag-aaway sila ng asawang si Robert. Nalaman kasi ni Marie na may babaeng naunang pinaka­salan si Robert. Naghinala naman si Robert na may relasyon sina Marie at Beth. Isang beses nga ay isinumbong ni Beth kay Stella na pinagbantaan siyang patayin ni Robert.

Isang umaga, habang kumakain ng agahan sina Beth at Stella ay biglang pumasok sa kuwarto nila si Robert na may hawak na balisong. Bigla nitong hinawakan sa leeg si Beth at walang pakundangang sinaksak sa likod hanggang bumagsak ito sa kama. Kahit nakahandusay na ang pobreng babae ay patuloy pa rin itong sinasaksak ni Robert sa kaliwang bahagi ng katawan malapit sa puso. Si Stella naman ay pinilit humarang kay Robert at sumisigaw ng, “Tama na, tama na!” Habang pinipigilan si Robert ay nahiwa pa ang kamay ni Stella kaya wala na itong nagawa pa. Pagkatapos saksakin si Beth ay agad na tumakas si Robert. Tumakbo si Stella palabas ng bahay at humingi ng saklolo. Nadala nila si Beth sa ospital pero dineklara na itong patay.

Dahil sa nangyari, tinawag ng guwardiya ng ospital ang mga pulis. Kinuhanan ng mga pulis ng litrato ang bangkay ni Beth at pumunta sa pinangyarihan ng krimen. Nakita nila ang magulong kuwarto at mga patak ng dugo sa semento. Ayon din sa post mortem examination, dalawang malalim na saksak sa likod at dalawang malalim na sugat sa harapan ng katawan ang sanhi ng kanyang pagkamatay. Kinasuhan si Robert ng murder dahil sa ginawang pagpaplano at patraydor na paraan ng pagpatay kay Beth.

Ang depensa naman ni Robert ay nasa probinsiya siya at abala sa gawain para sa Semana Santa. Naaresto lang daw siya dahil sa sulsol ni Marie na galit sa kanya nang malaman na may una siyang asawa. (Itutuloy)

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: