Maraming biyaya
Tayong mga tao’y maraming biyaya
na galing sa diyos nating mapagpala
araw-araw tayo’y mahal ng bathala
bagama’t maraming nagwawalanghiya
Ang araw ang buwan laging sumisikat
na nangangalaga sa ibon at gubat
ang bundok ang ilog at dagat
patuloy na dito’y nagpapaliwanag
Sa bukid ang ating mga magsasaka
sa patak ng ulan sila’y masasaya
kung wala ang tubig sila’y walang sigla
pagka’t ang pananim ay natutuyo na
Sa dagat naroon ang maraming isda
hindi nauubos hndi nawawala
sa sungit ng bagyo na mamalakaya
isdang maliit ay lumalaki pa
Sa bundok at gubat ay maraming ibon
at mga pagkaing sa tao ay tulong
may mga prutas du’n sa buwa’t panahon
nakukuha natin kahit pa ngayon
Ang kamay ng Diyos laging nakalahad
doon nagmumula biyaya ng lahat
kaya huwag tayo mawalan nang hangad
na siya’y talikdan sa anumang oras
- Latest