^

PSN Opinyon

2 lider na mainitin ang ulo

KUNSABAGAY - Tony Katigbak - Pilipino Star Ngayon

ANG mainit na pinag-uusapan ngayon sa buong mundo ay ang walang pakundangang balitaktakan ni US Pres. Donald Trump at North Korean leader Kim Jung-un. Kapag hindi napigilan ang dalawang sira-ulong lider na ito ay hindi malayang magkaroon ng World War 3. Ang kailangan ng bawat isa sa kanila ay diplomasya kaysa magpayabangan. Ang dalawang bansa ay may parehong nuclear capability at kung nagkataong nagpakawala ng parehong bomba buong mundo ay maapektuhan sa kagagawan ng dalawang sira-ulong ito.

Kahit na malayo tayo sa parehong bansa hindi pa rin tayo maliligtas sa mga bombang pakakawalan nila. Ang nakakatakot ay ang bantang Nokor nuclear threats ngayong Nobyembre. Sana habang maaga pa, dapat ay may mga lider ng bansang mamagitan kina Trump at Jung-un dahil walang mananalo kapag sumiklab ang giyera, matutusta tayong lahat. Ito kasing si Trump ay kulang sa kaalaman ng pamumuno. Para lang siyang  umaastang “sales man” hindi yata alam ng mamang ito ang salitang “diplomacy”.

Huwag nating isantabi ang problemang ito ng US at Nokor dahil pati tayo ay apektado sa gagawing kabalbalan ng dalawang lider. Habang kalma pa ang bawat isa sa kanila kailangan din nating maghanda kapag sumiklab ang gulo. Isantabi muna natin ang ugali nating mga Pinoy na kung kailan tatama saka tayo gagalaw. Hindi ito isang kalamidad lamang na tatama sa ating bansa, kundi 10 beses na mas malakas na tatama sa buong mundo.

Ang may kasalanan sa payabangan na ito ay si Trump. Siya ang mas matanda kaya dapat kalmado siya. Mas matabil ang kanyang dila. Ang mabuti nating gawin ay magdasal na sana’y kumalma ang bawat isa sa kanila.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with