^

PSN Opinyon

Sa pagkawala ng ‘Oplan tokhang’ mga kriminal lumabas sa lungga

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

HINDI lang siguro napapansin ng madlang Pinoy ang nangyayaring iba’t-ibang krimen sa Philippines my Philippines nandyan pati mga batang musmos ay ina-ambush at pinapatay ng mga gago bukod pa ang ginagawang panggagahasa sa mga bebot at pagkatapos makaraos ng mga adik ay pinapatay sila.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, iba’t-ibang istilo ng pagpatay ang ginagawa ngayong nawala ang ‘tokhang’ ng PNP dahil parang mga patay na nabuhay ang mga kriminal, naglalakad sila sa mga kalsada para humanap ng kanilang mga mabibiktima.

Ika nga, wala silang patawad!

Bakit?

Sagot - mga sira na ang ulo ng mga ulol!

Sabi nga, sa kaunting barya pumapatay ang mga hindot este mali kriminal pala.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, tripping ang mga kriminal para silang mga bampira na uhaw sa dugo kaya ang bawat biktima na tinitira nila ay sinisigurong patay.

Sabi nga, mapa-bata o matanda, tomboy o bakla, may baktol o wala, may ngipin o bungal basta mapag-tripan tiyak may kalalagyan ka.

‘Ano ang mainam gawin?’ tanong ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.

Sagot - police visibilities!

Nagtataka ang mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, pati mga bata ay hinoholdap magkanong pera lamang ang makukuha nito dito?

‘Masakit man sabihin siguro dapat na rin silang kalusin para matigil na ang kahibangan nila.’ sabi ng kuwagong pakuya-kuyakoy.

Abangan.

US$100.00 mula kay Boss Digong

TINARAHAN este mali inabutan pala ng tig-US$100 o P5,000 plus ang bawat isang overseas Filipino workers (OFWs) na dumating from Abu Dhabi, United Arab Emirates sa Philippines my Philippines the other day.

Kaya naman tuwang tuwa ang mga ‘runway’ OFW’s may kaunting pitsa silang maibibigay sa kanilang family.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, 105 repatriated OFWs ang dumating sa NAIA sakay ng eroplanong PAL at sinalubong sila ng mga opisyal ng OWWA at ng DFA.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang madlang Pinoy na dumating from Abu Dhabi ay pawang mga runaways at dehins nakatikim ng sahod mula sa kanilang mga buhong na employer doon.

‘Laking tuwa ng mga OFW’s na inabutan ng US$100.00 parang hindi nila malaman ang gagawin nila sa galak nila kay Boss Digong ng malaman nila na ang huli ang may utos na bigyan sila ng tsapit.’ sabi ng kuwagong haliparot.

Sabi ng mga OFW’s kaya sila namasukan tsimay sa Abu Dhabi ay dahil sa laki ng pitsang ipapasahod sa kanila iyon pala ay wala ni isang kusing.

‘Anong tulong ang magagawa ng gobierno sa kanila?’ tanong ng kuwagong suwail.

Sagot - habulin ang kanilang mga recruiters sa Philippines my Philippines.

Abangan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with