^

PSN Opinyon

Iba’t ibang antas ng buhay ng tao

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

NU’NG unang araw nilikha ng Diyos ang aso at sinabihan, “Umupo ka sa tabing pinto ng bahay, at tumahol buong araw sa lahat ng papasok at dadaan. Para diyan, pagkakalooban kita ng 20 taon ng buhay.”

“Panginoon, masyado naman mahaba ang 20 taon para tumahol nang tumahol,” sagot ng aso. “Bigyan niyo na lang ako ng 10 taon, at isosoli ko na lang ang 10 na labis.” Puma­yag ang Diyos.

Ikalawang araw nilikha ng Diyos ang matsing at sinabihan, “Pasayahin mo ang tao, magsisirko at patawanin sila buong araw. Para diyan pagkakalooban kita ng 20 taon ng buhay.”

“Panginoon, napakahaba ng 20 taon ng pagpapatawa sa tao,” tugon ng matsing. “Sampung taon na lang po, at isosoli ko ang 10 pa.” Pumayag ang Diyos.

Ikatlong araw nilikha ng Diyos ang kalabaw at sinabihan, “Samahan mo ang magsasaka sa palayan at magtrabaho buong araw. Manganak ka at bigyan sila ng gatas. Pagkaka­looban kita ng 60 taon.”

“Panginoon, masyadong mahaba ang 60 taon nang pagbabanat ng buto,” anang kalabaw. “Puwede na ang 20, at isosoli ko ang 40 taon pa.” Pumayag ang Diyos.

Nu’ng ikaapat na araw nilikha ng Diyos ang tao at sina­bihan, “Kumain, matulog, maglaro, mag-asawa, at magpakasaya. Para diyan pagkakalooban kita ng 20 taon ng buhay.”

“Huh, 20 lang, Panginoon?” umiling ang tao. “Ibigay niyo na rin sa akin ang 40 taon na isinoli ng kalabaw, ang 10 taon na isinoli ng matsing, at 10 pa ng aso.” Pumayag ang Diyos.

‘Yan ang dahilan kung bakit puro kain, tulog, laro, at pag­liliwaliw tayo sa unang 20 taon. Tapos kayod nang kayod sa kasunod na 40 taon. Tapos nag-aala-matsing nang 10 taon sa paglilibang sa mga apo. At sa huling 10 taon ay nakaupo sa bukana ng bahay at kahol nang kahol sa kung sinu-sino.”

vuukle comment
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with