^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Huwag munang magtaas ng SSS contributions

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Huwag munang magtaas  ng SSS contributions

MAY kontrobersiyang nangyari sa Social Security Systems (SSS) kung saan apat na opisyales ang inaakusahang sangkot sa maeskandalong stock trading. Kasong administratibo ang hinaharap ng apat na opisyales. Kinumpirma ng SSS na ni-reassign na sa ibang gawain ang mga opisyal na sangkot. Ito ay upang masiguro na tuluy-tuloy ang operas­yon ng pension fund. Ginawa rin ang reassignment para magkaroon ng patas na imbestigasyon sa apat na opisyales. Sinisiguro ng SSS na magkakaroon ng wastong proseso sa imbestigasyon. Ang mga akusasyon at reklamo sa mga sangkot na opisyales ay masusi umanong iimbestigahan.

Ganunman, bago pa ang ginawang reassignment sa mga sangkot na opisyales, dalawa rito ang nag-resign na sa puwesto. Nag-resign na sina Reginald Candelaria at George Ongkeko. Si Candelaria ay equities investment division chief samantalang si Ongkeko ay nagsisilbing chief actuary. Ang da­lawa pang opisyales ay sina Rizaldy Capulong, executive vice president for investment at si Ernesto Francisco Jr., head ng equities product development.

Nabisto ang apat nang mag-file ng complaint si SSS Commissioner Jose Gabriel La Viña. Inakusahan niya ang apat na opisyales ng serious disho­nesty and grave misconduct.

Sa kabila ng akusasyon sa mga opisyales ng SSS, ipinahayag naman ng ahensiya na ang Investment Reserve Fund, na mula sa kontribusyon ng mga miyembro at kita sa investment, ay buo, protektado at propesyonal na pinangangasiwaan. Tiniyak ng SSS na walang pondo ng miyembro ang nagamit o nakompromiso sa nasabing eskandalo.

Hindi maiiwasang mangamba ang may 32 mil­yong miyembro ng SSS sapagkat sangkot dito ang kanilang monthly contributions. Pinaghirapan nilang ihulog ang pera at saka mababalitaan nilang may mga opisyales ng SSS na sangkot sa maeskan­dalong stock trading.

Mas magandang gawin ng SSS na huwag munang ituloy ang planong pagtataas ng monthly con­tributions sa susunod na taon. Tapusin muna ang imbestigasyon sa mga sangkot na opisyales at kapag na-clear na saka ituloy ang balak na taas-contributions. Mahirap isapalaran ngayon ang pinaghirapang pera ng mga miyembro.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with