^

PSN Opinyon

Masuwerte

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

MASUWERTE ang mga pulis ngayon. Bukod sa suporta mula sa Presidente, pati ang pangako na palalayain mula sa kulungan kung ang ginawa naman ay saklaw ng kanyang iniutos, tila ang mga pulis lang ang nakakatikim ng umento sa sahod. Kung mapipirmahan ng Kongreso ang panukala, halos dodoble ang sahod ng mga bagong pulis sa pagpasok ng bagong taon. May mga iba pang serbisyo na sakop din ng umento sa sahod, tulad ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine Public Safety College, Philippine Coast Guard (PCG) at ang National Mapping and Resource Information Authority.

Paano naman ang mga empleyado sa sektor ng kalusugan? Bakit hindi itaas din ang kanilang mga sahod? Mga doktor at nurse na nagtatrabaho sa mga ospital ng gobyerno o lokal na pamahalaan. Kaya maraming nurse na mas gustong umalis na lang ng bansa dahil sa baba ng sahod na tinatanggap nila rito. Maraming magagaling na nurse na malaking maitutulong sa mga pasyente kung hindi lang sila sana umaalis. Sa ibang bansa, napakaganda ng kanilang makukuhang sahod. Dalawang taon lang sa ibang bansa, pagbalik dito ay milyonaryo na. Hindi ko minamaliit ang sakripisyo at dedikasyon ng mga sundalo at pulis, lalo na ang ating mga bayani na lumaban sa Marawi. Pero sana naman naiisip din ang ibang sektor, hindi lang pulis at sundalo na tila inaalagaan ni Pres. Rodrigo Duterte nang husto.

May mga nagtatanong din kung saan kukunin ang mga umentong iyan. Ayon sa Department of Budget and Ma-nagement (DBM), P5 trilyon ang kakailanganin para ipatupad ang programa sa adjustment sa sahod ng mga pulis, sundalo at mga retirado. Trilyon. Ngayon ko lang naisulat ang salitang iyan. May mga nagsasabi na P6 o P9 trilyon pa ang kakailanganin. Ganyan na ba kayaman ang Pilipinas?

At kung maging presidente pa raw si PNP chief Dir. Gen. Ronald dela Rosa, nangako siya sa mga retiradong pulis na quadruple ang kanilang benepisyo. Baka may alam siya tungkol sa kaban ng bayan na hindi alam nang marami. Malinaw na rin ang nais ni Dela Rosa – ang maging pulitiko. Kaya pala ganyan kumilos.      

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with