^

PSN Opinyon

I-rebuild ang Marawi

KUNSABAGAY - Tony Katigbak - Pilipino Star Ngayon

MARAMI ang nagsasabi na dapat abandonahin na lang ng mga bakwit ang battle zone area sa Marawi City at lumipat na lang sa ibang lugar upang doon magtayo ng mga panibagong bahay. Para sa akin parang mali naman yata na binibigay nilang opinion imbes na pa-lakasin ang loob ay para na ring sinabi na wala nang pag-asa pang maibangon. Mag-isip na lang kung ano at paano ang gagawin upang maibalik sa dati ang sentro ng Marawi. Imbes na sumatsat, tulungan na lang natin silang bumangon. Palakasin ang kanilang loob at sabihing “kaya natin ‘to”. Nasa sentro ang kanilang kabuhayan dito at gamay na nila ang mga gawain.

Ayon kay Marawi City Mayor Gandara, tinatayang P97 bilyon ang gagastusin upang bumalik sa dati ang kanilang lungsod. Pagtulung-tulungan na lang sana. Hindi naman isang bagsakan ‘yan siyempre bibilang din tayo ng taon upang maibalik ang dating sigla ng Marawi. At unti-unting makakalikom ang gobyerno dahil maraming bansa naman ang nag-aalok ng tulong di ba? Tayo ang nangangailangan kaya huwag na tayong magtaas ng pride na kesyo hindi tatanggap ng tulong galing kay ganito dahil may hinihinging kapalit. Siguro naman ang tulong na inaalok sa atin ay galing sa kaibuturan ng kanilang puso ay walang hinihinging kapalit.

Nung panahon ng giyera rito sa Maynila ng mga Hapones at Kano, di ba wasak na wasak din ang bahay at gusali? Tingnan naman natin ngayon, bawing-bawi na tayo. Talagang ganyan, napakahirap sa umpisa pasasaan ba at makakabangon din tayo sa trahedyang nangyari sa Marawi.

Ito lang ang sa akin, huwag lang hahaluan ng pulitika at corruption yan. Sana lahat ng perang malilikom ay mapunta sa mabuting kamay upang tuluy-tuloy ang pagbangon ng ating mga kababa-yan. Ayusin, huwag abandunahin dahil ito ang sentro ng kalakalan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with