^

PSN Opinyon

Roque, estilong Digong din?

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

NGAYON pa lang ay tila iniaakma na ni outgoing party-list Rep. Harry Roque ang kanyang estilo kay Presidente Duterte. Matapang at brusko. Si Roque ang siyang pu-malit kay Ernesto Abella bilang tagapagsalita ng Pangulo.

Kaya nasabi kong iniaakma niya ang kanyang estilo sa estilo ng Pangulo dahil sa kanyang babala sa lahat ng kritiko ng Pangulo. Babatuhin daw niya ng hollow block o adobe sa ulo ang lahat ng mga tumutuligsa sa Pangulo para magising.

Sinabi ni incoming Spokesman Roque, kung panay ang bato ng batikos ng mga kritiko kay Duterte at sa mga pinaiiral na polisiya at programa ng administrasyon ay nakahanda rin siyang batuhin ng adobe at hollowblocks ang mga ito.

Ani Roque, tapos na ang panahon ng mga dating nasa kapangyarihan matapos bigyan sila ng pagkakataong gawin ang kanilang trabaho pero pumalpak.

Aniya, kaya ngayong may bago nang namumuno ay hayaan naman sana nilang gawin nang tama ang kanilang trabaho.

Huwag naman ganyan karahas. Kung wala nang pupuna sa mali ng Pangulo, baka hindi na niya malaman ang tamang direksyong dapat tahakin. Pero tama si Roque. Kung babatikos man ay gawin sa paraang edukado at hindi personalan at walang modo.

Si Roque ay isinama sa Japan trip ni Pangulong Duterte bilang isang kongresista ng Kabayan Partylist at hindi bilang presidential spokesman.

Ayon naman kay Pangulong Duterte, hindi nya kaila-ngang magpaliwanag kung bakit niya pinalitan si dating Presidential Spokesman Ernesto Abella. Aniya “personal kong desisyon iyan.”

Mahirap maging tagapagsalita ng isang Pangulo. Kailangan na ang ipupuwesto sa ganyang posisyon ay marunong bumasa ng isip ng President. Lalung mahirap maging spokesman ng Pangulo lalu pa’t kung makakapagbitiw ang siya ng pananalitang medyo wala sa hulog. Ang challenge ay kung papaano itutuwid ito. Good luck kay Roque.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with