^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Maging alerto sa banta ng terorismo

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Maging alerto sa  banta ng terorismo

HINDI lamang ang Philippine National Police (PNP) ang dapat maging alerto sa panahong ito na marami ang umuuwi sa kani-kanilang pro­binsiya para dalawin ang mga mahal sa buhay na pumanaw, kundi pati na rin ang mga pasahero mismo. Ngayong natapos na ang giyera sa Marawi City at marami sa teroristang Maute ang napatay, may mga balitang gaganti raw ang mga terorista. Ipaghihiganti raw ang mga napatay nilang lider at pati na rin ang mga naarestong supporters. Ayon pa rin sa intelligence report, patuloy pa rin daw ang pagre-recruit on line sa mga gustong sumapi sa Maute na suportado ng ISIS terrorist group. Hindi raw titigil ang mga terorista at patuloy na magsasagawa ng karahasan.

Nagpaalala si PNP chief Dir. General Ronald dela Rosa sa mamamayan ngayong Undas na maging alerto sa mga maghahasik ng gulo. Sisiguruhin naman daw ng PNP na mabigyan ng seguridad ang mamamayan habang ginugunita ang Undas­. Patuloy din daw ang kanilang ginagawang paghahanap sa financiers ng Maute. Dalawa na ang na­aresto na umano’y nagpi-finance sa Maute. Mayroon pa raw silang mga hinahabol pang mga tao at sa lalong madaling panahon ay maaaresto rin nila. Hindi raw titigil ang PNP hangga’t hindi nahuhuli ang mga tumulong sa Maute kaya nagkaroon ng kaguluhan sa Marawi na inabot ng limang buwan ang labanan.

Sinisiguro ng PNP ang kaligtasan ng mamamayan habang nagbibiyahe. Walang makakalusot sa kanilang pang-amoy at tinitiyak na walang mangyayaring mga kaguluhan habang ginugunita ang Undas. Magiging mapayapa ang mamamayan, ayon pa sa PNP.

Ang pakikipagtulungan ng mamamayan sa PNP ay nararapat. Ireport ng mamamayan ang anumang mapansin na kahina-hinala sa loob ng bus, barko, eroplano at maski sa mga sementeryo. Ang pagi­ging mapagmatyag sa panahong ito ay maha­laga. Huwag hayaang maulit ang mga malalagim na pangyayari. Maki-cooperate sa mga awtoridad.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with