^

PSN Opinyon

STL bookies at loteng sa SPD

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

Sarado ang tabakuhan sa southern Metro-Manila dahil inagawa este mali nagawan ng paraan ng mga autoridad na ipatigil ang ‘jueteng’ operatios dito.

Kaya naman may pag-asa na sigurong tumabo ang gobierno sa mga papasok na koleksyon sa PCSO mula sa bagong STL franchise holders para lalong mabaon este mali kumita pala ang pamahalaan dito.

Ika nga, kung hindi dadayaan ang gobierno sa koleksyon nila.

Bakit?

Sagot - nagawan nilang isara ang gripo ng mga gambling lords na umaagos sa southern metro sa tulong ng mga retired general ng PNP na kasama sa bagong negosyo. Hehehe!

Umalma ang mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dahil nagbago lang daw ang mga mukha ng mga gambling lord sa southern metro matapos palitan ang mga dating bangka.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, binuksan ng mga kumag ang STL bookies with matching lotteng pa sa SPD.

Kinilala ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sina  alyas Boy ‘dehado,’ retired PNP at opisyal ng burungoy kawatan sa isang lugar sa Muntinlupa, isang alyas Samboy nagbukis ng STL at loteng, isang alyas Richard ‘taba’,  Madam Gie, alyas Tisay at lando ng Tunasan, Muntinlupa, Isang alyas Joy nagbubukis ng STL at loteng sa Dongalo, Parañaque, Edgar ng Baclaran, Dick ng Sunvalley, Parañaque, Jacobo jr. alias (ayungen) bukis ng STL at loteng dahil sa dami ng salapi nagpapa-utang din ito sa mga tulak ng shabu sa Taguig.

Ang coordinator ng STL na nag - bubukis ay isa ring burongoy kupitan ito ay si alyas Wally at kasabwat si alyas Totoy ‘maharot’ ginagamit diumano nila ang Happy Cool, ang bagong STL sa nasabing lugar.

Inginuso ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang bangka nang bukis na si alyas ‘Tausi’ ng Laguna.

Abangan.

Happy Birthday Ka Eduardo

IPINAAABOT ngayon araw ang pagbati ng MALIGA­YANG KAARAWAN kay Kagalang- galang KA EDUARDO V. MANALO, EXECUTIVE MINISTER ng IGLESIA NI KRISTO mula sa pamilya ni Atty. Silverio “Biyong” R. Garing ng Naujan, Oriental Mindoro.

Ayon kay Atty. Biyong, hinahangad nya ang lubos na kalusugan at mahabang buhay para sa Kagalang-galang na Ka Eduardo V. Manalo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with