^

PSN Opinyon

Kulang naman pala sa training?

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

ANG direktor mismo ng Confederation of Truckers Association of the Philippines ang nagsabi na maaaring kulang sa training ang drayber ng trak na umararo sa ilang sasakyan sa Batasan Hills, Quezon City noong nakaraang Huwebes. Lima ang patay at 10 ang sugatan sa aksidente. Ayon sa ilang testigo, mabilis ang takbo ng trak at tila nawalan ng preno kaya umararo sa mga sasakyan. Iyan na lang ba kadalasan ang dahilan?

Ayon naman kay Alberto Suansing, direktor ng asosasyon, hindi ang kawalan ng preno kundi ang pagkukulang ng training ng drayber ang sanhi ng aksidente. Kailangan lang daw paganahin ang emergency na preno ng mga trak sa pamamagitan ng switch na madaling pindutin o kalabitin. Kung nagawa ito, maaaring napabagal nang husto ang trak para hindi bumangga ng malakas sa mga sasakyan. Malamang nataranta raw ang drayber. Kung ganyan ang sasabihin niya, bakit kinukuha pang mga drayber ng kompanya ang kulang naman pala sa training? Matagal ko nang sinasabi na hindi lang basta-bastang drayber ang maaaring magmaneho ng mga malalaking trak. Kailangang dumaan sa masinsinang training, at idaan sa ekasaminasyon bago mabig­yan ng lisensiya, para gawing propesyonal ang mga drayber. Ginagawa ba ng LTO iyan? O pinapasa na lang ang sinumang gustong maging drayber ng trak at bus?  

Mabuti naman at nag-inspeksyon ang LTO ng mga bus na bibiyahe sa mga probinsiya, ngayong dagsaan na ang mga pasahero na mag-uundas. Ilang bus ang nakitang pudpod na ang gulong. Hindi sila pinayagang magbiyahe hangga’t magpalit ng mga bagong gulong. Dapat hindi lang gulong ang ininspeksiyon kundi ang buong bus. Ang dapat nga ay sinita ang kompanya at binigyan ng babala na kapag nahulihan muli ng bus na pudpod ang gulong ay sususpindihin at pagmumultahin. Kapag naulit pa ay kakanselahin na ang prankisa. Parang lumalabas kasi na kung hindi nag-inspeksyon ang LTO ay hindi papalitan ang gulong, at pababayaan lang hanggang sa hindi na talaga magamit. Kailangan pa bang maghintay ng masamang aksidente ang mga kompanya bago ayusin ang mga sasakyan, o mas mahalaga pa rin ang malaking kita kaysa sa kaligtasan ng mga pasahero?

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with