^

PSN Opinyon

Sereno impeachment: maari bumagsak lahat

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

AYON sa Konstitusyon maari ma-impeach ang isang opisyal sa pirma ng katlo ng House of Representatives, o 99 ng 296 na kongresista; tapos lilitisin na siya agad sa Senado. Gan’un ang ginawa kay President Joseph Estrada nu’ng 2000 at kay Chief Justice Renato Corona nu’ng 2012.

Pero ayaw ni Speaker Pantaleon Alvarez ng gan’ung short-cut na impeachment kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno. Gusto niya ay isalang ang kaso sa pagdinig ng committee on justice. Doon anim na mahistrado ng Korte Suprema ay napabalitang tetestigo laban kay Sereno. Magkaka-banatan nang husto. At dahil political exercise at hindi court proceeding ang impeachment, maaring kung anu-anong baho ang ilabas laban kay Sereno. Pati pagkatao at pagkababae niya ay ma­aring salingin, tulad ng ginawa kay Sen. Leila de Lima.

Hihiyain si Sereno. Sa tantiya marahil ng mga kalaban ay magre-resign na lang siya kaysa “mahubaran” siya sa publiko.

Heto ang problema. Paano kung hindi mag-resign si Sereno? Paano kung imbis na umatras ay lumusob siya, ilabas din ang baho ng mga nag-aakusa, at maglahad pa ng ebidensiya? Kumbaga, kung lulunurin nila siya ay isasama na rin niya sila sa paglubog.

Naku, kung gayo’y masisira rin ang pangalan ng mga kalabang mahistrado. Hindi man sila ang ini-impeach ay wala nang maniniwala sa kanilang mga pasya sa Korte Suprema.

Pati si Alvarez ay maaring banatan ni Sereno. Isa sa mga kasong impeachment ay ang umano’y hindi pag-amin ng P38 milyong ibinayad sa kanya sa pagdepensa sa Pilipinas laban sa reklamo ng Fraport (Germany) sa International Commission for Settlement of Industrial Disputes sa Washington DC nu’ng 2005. Pero maaring kontra-ungkatin ni Sereno na ang naturang kaso ay nagsimula sa maanomalyang pagtayo ng NAIA Terminal-3, kung saan nasangkot si Alvarez bilang noo’y Secretary of Transportation. Itatabla ang laban, ika nga.

vuukle comment
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with