^

PSN Opinyon

Umusad kaya?

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

MATUTULOY na ang pagsampa ng kasong pandarambong sa dalawang dating commissioner ng Bureau of Immigration (BI), sina Al Argosino at Michael Robles, kaugnay ng pagtanggap umano ng P50 mil­yong suhol mula kay Jack Lam, para mapalaya ang mga nahuling taga-China na iligal na nagtatrabaho sa bansa. Nakailang pagdinig din sa Senado, kung saan hindi mapaliwanag nina Argosino at Robles ang mga pangyayari. Ilang linggo nilang hinawakan ang P50 milyon. Nang pumutok ang is­torya sa media, dito lang nila inilabas ang P30 milyon na ayon sa kanila ay “tinago bilang ebidensiya” na gagamitin kay Jack Lam. Pero walang bumili ng kanilang mga pahayag. Lumabas pa na kulang ng P1,000 ang pera, para hindi siguro makasuhan ng pandarambong dahil hindi umabot ng P50 milyon.

Kasama sa pagsampa ng kaso sina Wenceslao Sombero Jr., dating BI Intelligence chief Charles Calima at Jack Lam. Tumanggap din ng pera sina Sombero at Calima mula sa dalawang commissioners. Ang Ombudsman ang nagsampa ng kaso sa kanila, dahil mga opisyal sila ng gobyerno nang maganap ang panunuhol, maliban kay Lam at Sombero. Siguro ang tanong na lang ay kung uusad ang kasong ito. Alam natin na mga brod ni President Duterte at DOJ Sec. Aguirre sina Argosino at Robles sa Lex Talionis. May nakabadyang impeachment pa laban sa Ombudsman. Marami nga ang nagtatanong kung bakit ngayon lang nagsampa ng kaso kung matibay na ang ebidensiya laban sa kanila. May CCTV, may pera, may testigo. 

Isa pang kaso na tila hindi rin umuusad ay ang mahigit P6 bilyong halaga ng shabu na nakalabas ng Bureau of Customs. Hanggang ngayon ay tila pinag-iisipan pa kung sino ang mga kakasuhan. Panay bangayan lang ang naririnig sa pagitan ni dating BOC commissioner Nicanor Faeldon at Sen. Panfilo Lacson. May mga ebidensiya na ngang isiniwalat pero wala pang nangyayari.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with