^

PSN Opinyon

Ernie, Harry

DURIAN SHAKE - Pilipino Star Ngayon

SIMULA bukas, si Kabayan Rep. Harry Roque na ang Presidential spokesman ni President Duterte.

Pinalitan ni Harry si  Ernesto ‘‘Ernie’’ Abella sa pagiging tagapasalita ni Duterte. 

Si Ernie ay napabalitang may ilang offers din na puwede niyang kuning puwesto sa ibang government agencies. 

Habang si Ernie  ay Undersecretary ang rank na binigay sa kanya noong presidential spokesman pa siya, si Harry naman ay may titulo na “Secretary”.

Sinabi ng Presidente na bongga ang maging simula ni Harry dahil sasabak siya agad sa kanyang first Cabinet meeting sana bukas, Lunes. 

Ngunit aalis ang Presidente patungong Tokyo ngayon at sa Martes pa ang balik. 

Kaya doon na sa Tokyo ang unang araw bilang spokesman ni Harry bukas at wala namang magaganap na Cabinet meeting doon. 

Ang alam ko dapat kasama rin si Ernie sa Tokyo at hindi ko rin alam kung magkasabay nga sila ni Harry sa presidential plane na aalis mamayang hapon. 

Ano ba ang ibig sabihin nito?

Tiyak may bagong game plan ang Presidente kung bakit niya pinasok si Harry. 

Kung ano man ang gusto ni Duterte na mangyari ang mahalaga ay maiabot sa mga mamamayan ang programa ng ating gobyerno.

In short, to effectively communicate government to the people.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with