^

PSN Opinyon

Panawagan ng mga Kristiyano kay Duterte

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

MISMONG ang Speaker of the House na si Pantaleon Alvarez ang umakda at naghain sa Kamara de Representante ng bill sa civil union ng lalaki sa lalaki o babae sa babae. Sa ibang salita; “gay marriage.” Iyan ay kapag naging ganap na batas ang panukalang ito. Nakaka­bahala ito lalu na sa mga Kristiyanong may paggalang sa Salita at kalooban ng Diyos.

Siyanga pala, congratulations sa mabiyayang pagdiriwang ng Jesus is Lord Church (JIL) ng kanyang ika-39 na anibersaryo.

Sa seremonya sa Luneta na dinaluhan ng libu-libong mananampalatayang Kristiyano, nanawagan ang mga Christian leader sa Pangulo na tumalima sa itinadhanang agenda ng Diyos para sa Pilipinas. At kung ang gay marriage ang pag-uusapan, talagang ito’y labag sa kalooban ng Panginoon.

Nagsanib-lakas ang mga namumuno sa Philippine for Jesus Movement at Philippine Council of Evange­lical Churches sa pagpapagunita sa madla sa kasagra­duhan ng pagsunod sa kalooban ng Diyos. Gaya ng ibang kababayan natin, naghayag sila ng pag-aalala sa patuloy pa ring pag-iral ng problema sa droga na kinasasang­kutan pa ng ibang matataas na pinuno ng pamahalaan, talamak na extrajudicial killings, gayundin ang alegas­yong may itinatagong secret bank account ang mga kapamilya ng ating Pangulo.

Sabi nga ni Bro. Eddie Villanueva na siyang namumuno­ sa JIL, nakababahala ang mga pangyayaring ito sa bansa, partikular na ang inihaing panukala ni Alvarez na kung tawagin ay Sexual Orientation and Gender Identity or Expression (SOGIE) Bill. Nakararami sa populasyon  ng bansa ay mga Katoliko Romano at mga Evangelical Christians at batid kong ang tinatawag na gay marriage ay hindi sinasangayunan.

Sana ay huwag tayong magbulagbulagan at magbingibingihan at lumantad sa pagtutol sa panukalang batas na ito na malinaw namang ibinabawal sa Salita ng Diyos, kung tayo ay mga totoong mananampalataya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with