^

PSN Opinyon

Cebpac Cadet Pilot training program, bow!

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

NASA puso ng pamunuan ng Cebu Pacific Airline na bigyan ng murang biyahe ang madlang pinoy kahit saan nilang gustong mag-aboard este mali abroad pala.

Sinabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, the other day ipinagmalaki ng Cebpac na abilidad este mali de-kalidad pala at mahuhusay na pilots ang gustong ibigay ng kumpanya sa madlang pinoy na gustong guminhawa at gumanda ang buhay para matupad ang kanilang  pangarap dahil pag-aaralin ng libre ang mga ‘lucky pinoy’ na interesadong magpalipad ng  Cebu Pacific aircraft, mabuhay ng marangal. 

Last Tuesday night, ipinagmalaki at ipinagbunyi ng Cebu Pacific at Flight Training Adelaide (FTA) ang US$25 million Cadet Pilot Program na naglalayong makapagpaunlad ng 240 professional pilots with in 5 years. 

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, tiwala si Cebu Pacific President & CEO Lance Gokongwei, na ang Cadet Pilot Program, katuwang ang Australian’s FTA  ay makakagawa nang highly skilled aviators na magiging 1st officers at pilot Captains sa darating na araw para sa magpapalipad ng kanilang mga Airbus aircraft.

Ibinida ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang mga applicants ay dapat pinoy na pinoy, college graduate at fluent in English.

 Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang susuertihin na applicants ay aabutin ng 52 weeks na magsa-saklay este mali magsasanay pala at siempre mag-aabroad going to FTA sa Adelaide, Australia.

 Ang FTA, ay kilalang provider ng world-class, customized aviation training solutions para sa fixed wing at rotary wing industry.

 Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, itinatag last 1982, ang FTA ay nakatuon sa pagsasanay ng magagaling na airline at helicopter captains, hindi lamang mga cadet na gustong kumuha ng licenses. 

Tirada ni Gokongwei, hindi kailangan mahilo, malungkot o mag-alala  ang mapipili at papasang applicants dahil sagot ng Cebpac ang lahat ng bayarin at gastos sa training pero  babayaran nila ito sa loob ng 10 taon ng ‘bombay style’ o hulugan.

 Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, after 52 weeks ng training  sa FTA iuuwi nila ang aviation diploma na ibinigay sa kanila pag-graduate todits.

  Bukod dito, aakayin este mali sasanayin pala ang mga students sa flight stimulator, flight time sa actual aircraft upang makumpleto ang lahat ng pangangailangan para maging isang commercial pilot.

 ‘Babalik sila sa apat na linggong training para kumuha ng pilot’s license sa CAAP.’ sabi ng kuwagong naiingit.

Ano ang inaantay ninyo ngayon?

Apply na kayo para dito!

Abangan.

Jolina ‘Lilay’ de Luna 

HINDI pala biro ang kaarawan ni Lilay sa Sabado (Oct. 28) dahil ang daming special na tsibug from Paete, Laguna at siempre hindi mawawala ang ipinagmamalaking ‘lanzones’ ng probinsiya.

Binabati ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, si Lilay sa kanyang ika-25th birthday, sina Elino at Nelia, magulang nito, John Joseph at Allan mga utol niya, mga kaibigan, mga kaklase noon, kapit-bahay, barangay community na handang magpunta para dumalo sa tsibugan blues sa kanilang haybol.

Anyway, Lilay, maghandang mabuti para hindi mapahiya sa mga pagkain mong masasarap.

Happy Birthday and more power!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with