^

PSN Opinyon

Safe ba ang gamot sa high blood?

DOC WILLIE - Pilipino Star Ngayon

1. Binigyan ako ng doktor ng maintenance medicine para sa high blood pressure. Pero itinigil ko na ang pag-inom nito.

Sagot: Huwag pong itigil ang gamot. Ang mga gamot sa high blood tulad ng amlodipine, losartan, metoprolol, at iba pa, ay safe para sa iyong kidneys (bato). Sigurado po ako.

Sa katunayan, kapag uminom ng ganitong gamot ay mas mapuprotektahan mo ang iyong kidneys dahil magiging normal ang iyong blood pressure. Kapag normal ang iyong presyon, hindi mahihirapan ang kidneys. Kung gusto niyong malaman kung anong gamot ang puwedeng makasira sa kidneys. Ito ay ang matagalang pag-inom ng pain relievers tulad ng mefenamic acid at ibuprofen. May ilang antibiotics din ang puwedeng makasira sa kidneys.

Tandaan natin na ang pangunahing sanhi ng kidney failure at dialysis sa ating bansa ay ang high blood pressure at diabetes. Kapag inihinto mo ang iyong maintenance na gamot ay posibleng tataas muli ang iyong blood pressure. At kapag laging lampas sa 140 over 90 ang iyong blood pressure, masisira na ang iyong kidneys, puso at utak sa loob ng ilang taon.

Kaibigan, huwag titigilan ang iyong maintenance na gamot. Ang mga gamot na ito ang nag-aalaga sa iyong puso at utak para ikaw ay hindi ma-istrok at atakihin sa puso. Mura na rin ang mga gamot ngayon sa mga generics na botika. Ayon sa mga pagsusuri, mapapahaba ang iyong buhay ng 9 years kapag tuluy-tuloy ang pag-inom ng gamot sa high blood.

Sana ay mapakuha n’yo lagi ang iyong blood pressure. At kung mataas ito sa 140 over 90 ay magpatingin na sa doktor para mabigyan ng tamang gamot. Sa tamang dosis at pag-inom, wala kayong dapat ikabahala sa mga maintenance na gamot.

2. Mabisa ba ang pineapple juice at bawang para sa high blood?

Sagot: Hindi po. Hindi gamot sa high blood ang pagkain ng bawang o pag-inom ng pineapple juice. Masustansya ang mga ito pero hindi ito sapat para bumaba ang iyong presyon. Ang pineapple juice ay may vitamin C at ang bawang ang maaaring makababa ng cholesterol. Pero mahina ang epekto nito sa blood pressure.

Ang mabisang makababa ng high blood pressure ay ang sumusunod: (1) pag-inom ng gamot sa high blood, (2) pagbawas sa alat sa pagkain tulad ng mga sitsirya at chips, (3) pagbawas ng timbang kung kayo ay overweight, at (4) pagtigil sa paninigarilyo. Iyan ang tamang solusyon sa iyong high blood pressure.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with