^

PSN Opinyon

Immigration ‘E-Gates’

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

SA unang bahagi ng 2018, makakaranas ang madlang passengers nang makabago, hi-tech at mas mabilis na processing system pagpasok sa Bureau of Immigration arrival counters sa NAIA.

Sabi nga, WOW!

Ika nga, for Filipino use only.

Ibinida sa mga kuwago ng ORA MISMO, ni Marc Red Marinas, hepe ng BI - Ports Operation Division, bago ito lumayas este mali umalis pala going to China na ang bagong sistema ay tatawaging ‘E-Gates.’

Sabi nga, usual procedure pa rin sa pagdating ng madlang pinoy passengers, one queue at pagkatapos ay ibibigay ang kanyang passport sa immigration officer counter matapos ang manual processing tatatakan ng arrival stamp ang passport na ibinigay.

Ayon sa kuento, sa ilalim ng bagong sistema, ang isang pasahero ay diretso sa ‘E-Gate,’ kung saan siya mismo ang mag-swipe ng kanyang passport at boarding pass.  Sa paglabas nito dito magbubukas ang isang pinto para naman sa facial at biometrics capturing. Matapos ito ang pasahero ay kukuha ng sticker at ilalagay ito sa kanyang passport.

Sabi ni Marinas, kung ang pasahero ay nagka-problema tulad halimbawa may derogatory records o defective documents ito ang pintong pinasok nito ay hindi magbubukas at tutunog pa para magbigay senyales sa mga immigration personnels na naka-monitor dito at sabihan ang isang BI supervisor upang puntahan ang pasahero at dalhin sa opisina nila para sa manual processing.            

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang bagong sistema ay magbibigay nang mabilis na proseso at mapapakinaba­ngan lalo ng mga OFW’s na dagsa kung dumating sa NAIA.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may immigration officer ang itatalaga sa ‘E-Gates’ para tulungan ang arriving madlang Pinoy dahil sa bagong proseso.

‘Ang processing time sa ‘E-Gates’ ay 15 seconds kumpara sa kasalukuyang sistema na tumatagal hanggang 45 seconds sa bawat pasahero.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sina Marinas at BI opisyal ay pinag-aralan ang system sa abroad tulad sa Canada at Taiwan na epektibo doon kaya tinulak nila sa gobierno na magkaroon sa Philippines my Philippines nito.  

Sabi ng mga kuwago ng ORA MISMO, may P353 million ang halaga nito sa ginanap na subastahan blues at malamang sa susunod na buwan ang pinal na kontrata para todits.

Ibinida ni Marinas, sa ilalim ng kanilang panukala, 15 units ang kabuuan nito para paghatian. Tatlong units ang ilalagay sa NAIA Terminal 1,2 at 3, dalawa sa Davao International Airport, tatlo sa Cebu International Airport at dalawa sa Clark Airport.  

‘Target pala ng BI na gamitin sa mga nasabing paliparan ang ‘E-Gates’ sa March next year.

Abangan.

Task Force Alamid

Maganda ang pakay ng bagong tatag na Task Force samid este mali Alamid pala sa gagawin pagmanman sa mga colorum na sasakyan sa Metro-Manila lalo’t fast approaching na ang Christmas season sa Philippines my Philippines.

Sabi ng mga asset ng nga kuwago ng ORA MISMO, ang samid este mali “Task Force Alamid” ng IACT ang manununtok este tututok pala sa apprenhension sa mga colorum vehicles.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang ‘ask force’ este mali task force pala ay kinabibilangan ng DOTr at mga attack este attached agency pala nito tulad ng LTO, LTFRB,MMDA at kasama rin ang LGU’s.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sana tuluy-tuloy at araw - araw ang hulihan huwag ningas cogon.

Ika nga, political will lang ang kailangan!

Payo ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, huwag kasi nilang ipamalita kung saan ang operasyon nila basta puntahan nila ang target area at hulihin ang mga kolokoy.

Sabi nga, huwag ng i-praise release. Hehehe!

Ayon sa mga kuwago ng ORA MISMO, hindi na siguro kailangan pang ayusin ang mga radio communication nila tulad ng ibinabalita. Basta ang sasama sa operations cellphones lang ang kailangan sa lahat ng operatives mas mabilis ito at walang splatters.

Ika nga, huwag puro drawing kundi trabaho ang importante.

Hinimok ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi lang dapat sa colorum, sirens, blinkers at LED lights tumutok ang samid este mali Alamid pala mas importante na tutukan din nila ang malalang traffic porke aminado ang MMDA na kulang ang traffic enforcers nila.

‘Dapat ipatupad ng task force ang ‘one lane policy’ sa mga buses dapat sa bus lanes lamang sila tumakbo at hindi sa private vehicles lane kasi pagsumingit ang mga bus papunatang private lanes tiyak magkaka-hetot, hetot ang traffic at kapag bumalik ito sa bus lane at bumalagbag para kumuha ng pasahero o magbaba siguradong magkakaloko, loko ang traffic,’ sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

Abangan.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with