^

PSN Opinyon

Tinuhog ang mag-ina

IKAW AT ANG BATAS - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

(Huling bahagi)

PAGKATAPOS ng limang buwan, napansin ni Rochelle ang pamamaga ng dibdib ng anak, ang kawala nito ng gana kumain at ang pagiging antukin. Pagkatapos pa nang dalawang buwan ay parang lumalaki rin ang tiyan ng bata. Ipinasuri siya sa doctor at nakumpirma na buntis. Pero nang tanungin ay ayaw aminin ni Letlet kung sino ang ama. Ang mahaderang mga kapitbahay naman ay naghihinala na kay Anton. Bandang huli ay inamin din ni Anton kay Rochelle at sa kapatid nitong si Rudy na siya ang nakabuntis kay Letlet.

Agad na nagsampa ng reklamo si Rudy sa pulisya upang kasuhan ng rape si Anton sa naunang dalawang insidente ng panggagahasa kay Letlet.

Sa paglilitis ng kaso, matapos na makapanganak ng isang sanggol na lalaki si Letlet ay isinalaysay niya sa hukuman kung ano ang ginawa sa kanya ng amain. Pare-pareho rin na tumestigo sina Rochelle, Rudy at ang doctor na sumuri kay Letlet. Sa kabilang banda, todo tanggi naman si Anton na ginahasa niya si Letlet. Nasa bukid at nagtatrabaho daw siya noon. Tinira rin niya ang pagkakaiba-iba ng sagot ni Letlet nang tanu­ngin kung gising siya nang nangyari ang rape.

Ngunit ayon sa RTC, may sala si Anton na rape at hinatulan ng reclusion perpetua para sa dalawang rape. Pinagbabayad din siya ng danyos perwisyo. Nang umapela ay naging pareho ang hatol ng Court of Appeals (CA) at Supreme Court (SC).

Ayon sa SC, hindi na mahalaga ang maliliit na kamalian ni Letlet sa testimonya nito tungkol sa oras at petsa ng panggagahasa. Hindi ito importante. Hindi ito nakaapekto sa mga elemento ng krimen at hindi nito nasira ang katotohanan at bigat nang naging testimonya ng biktima. Inaasahan talaga na magkakamali ang isang bata lalo at napilitan siyang isalaysay ang isang nakagigimbal na pangyayari sa kanyang buhay sa harap ng publiko. Tama lang na bigyan ng kunsiderasyon ang mga menor de edad na tulad ni Letlet lalo tungkol sa ganitong mga kaso ng pang-aabuso. Si Letlet na noon ay labing-isang taon lang ay walang dahilan para magsinungaling laban kay Anton. Ang hindi niya agad pagsumbong at pagtanggi sa ginawang panghahalay ay hindi nangangahulugan na hindi na totoo ang kuwento niya. Hindi naman talaga puwedeng asahan na umastang matanda ang isang dalagitang tulad niya.

Idagdag pa na higit na malakas si Anton bilang isang lalaki at ang impluwensiya niya bilang ama-amahan ni Letlet para matakot na tumanggi o mangimi ang bata. Kahit paano ay itinuturing pa rin niya na tatay si Anton.

Panghuli, kahit pa walang pananakot, panloloko o pang-aabuso ng kapangyarihan na ginawa si Anton tulad ng kanyang sinasabi, lalabas parin na rape ayon sa batas ang kanyang ginawa dahil si Letlet ay wala pa sa dose anyos ang edad (People vs. Entrampas, G.R. 212161, March 29, 2017).

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with