^

PSN Opinyon

Mukha, pagkatao mo makikilala ng computer

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

NU’NG piyesta sa Chengdu province, China, nu’ng Set­yembre, palihim na nag-video ang pulis ng mukha ng libo-libong bisita. Sa pamamagitan ng facial recognition technology, nakilala ng computers ang 25 matagal nang wanted na kriminal, kaya nahuli nila.

Ang facial recognition ang pinaka-bagong pinagtutuunan ng pansin sa artificial intelligence. Sa pamamagitan­ lang ng maraming deskripsiyon ng hitsura ng isang tao, mailalarawan ito ng computer nang halos kamukha talaga, at matitiyak pa ang subject kung sakaling ma­ihambing ang sketch sa video. Pinadadali ang trabaho ng pulis.

Nagsimula ang facial recognition sa place recognition technology. Ipinasok sa malaking computer memory ang libo o milyong retrato ng iba’t-ibang pook sa mundo. Dahil dito, mula sa kahit ano’ng bagong retrato ay nakikilala agad ng computer kung ano ang lugar na ‘yon. Gan’un din ang voice recognition: sa boses pa lang alam na ng computer kung sino ang nagsasalita.

Mas komplikado ang facial recognition, dahil maraming­ maaring magkamukhang tao kung drawings lang ang pagkikilanlan. Pero dahil sa dami ng naka-file na deskripsiyon, nakakakilala ang computer.

Pero heto ang isa pang sinasaliksik ngayon ng mga eksperto sa artificial intelligence. Susubukan nilang ma­kilala hindi lang ang mukha kundi mismong pagkatao ng indibidwal. Nag-eksperimento sila. Pinasok nila sa computer memory ang retrato ng libu-libong mga macho at bakla. Batay dito nakakita umano ang computer ng mga pagkakahawig para kilalanin kung ang bagong retrato ay macho o bakla rin. Tumama daw ang sagot ng compu­ter 86% ng pagsubok. Mababang grado ‘yon. Para masabing­ eksakto halos lahat ng sagot ng computer, dapat ay 99% ang score, anang mga eksperto.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

vuukle comment
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with