^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Hanapin, supporters ng Maute

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Hanapin, supporters ng Maute

KAHAPON, inihayag ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na tapos na ang labanan sa Marawi. Eksaktong limang buwan kahapon nang mabawi ng government troops ang siyudad. Ang 30 terorista na nasa isang gusali at pinaniniwalaang napatay na lahat ay kasalukuyang pinapasok ng mga sundalo habang sinusulat ito. Ang mga tero­rista ay unti-unting nalagas makaraang mapatay ang mga lider na sina Isnilon Hapilon at Omar Maute noong nakaraang linggo. Parang mga daga na hindi malaman kung saan magtatago ang mga terorista.

Walang pagsidlan sa tuwa ang mga evacuees na limang buwang dumanas nang mahirap na kalaga­yan. Tinatayang 359, 680 ang evacuees. Sa wakas, makikita na rin nila ang mga napinsalang bahay at magsisimula na silang muli. Kahapon, sinimulan nang alisin ang mga harang sa kalsada patungong Marawi na ang ibig sabihin, maaari nang puntahan ang ilang lugar, maliban sa main battle ares na pinaniniwalaang may mga nakatanim na bomba.

Maaaring napatay na nga lahat ang mga miyem­bro ng Maute pero ang isang malaking tanong nga­yon, nasaan ang mga taong sumuporta at nag-finance sa mga terorista. Ayon sa report, nakapasok ang Maute sa Marawi dahil sinuportahan ng mga maiimpluwensiyang tao. Naipasok ang mga matataas na kalibre ng baril at nakapaggawa ng mga tunnel. Kabisadung-kabisado rin nila kung saang gusali pupuwesto na para bang nakapag-survey na sila para maging matibay ang depensa.

Ang nararapat gawin ng AFP ngayon ay simulan nang hanapin ang mga taong tumulong at sumuporta sa Maute. Lubhang delikado ang mga taong ito. Kung hindi sila mahuhuli, maaaring mag-finance o tumulong uli sila sa ibang teroristang grupo. Hindi na dapat tigilan ng AFP ang paghahanap sa supporters ng terorista. Kung maari pulbusin din ang mga ito gaya nang nangyari sa Maute.

Isang aral naman ang naiwan sa mga taga-Marawi ngayong tapos na ang labanan. Sana ma­ging mapagmatyag at alerto na sila sa mga kahina-hina­lang tao na papasok sa kanilang siyudad. Ireport agad ang mga ito. Huwag nang hayaang magkaroon ng Marawi 2.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with