^

PSN Opinyon

Para sa Simbahang Katolika...

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

“BAGO ka maglinis ng bakuran ng iba, linisin mo muna ang sarili mong bakuran.” Kasabihang napagdaanan na ng maraming panahon at sigurado  akong pati lolo ng mga lolo at lola ng mga lola niyo, alam na alam ito.

Sigurado rin akong alam na alam na ng Simbahang Katolika ito. Magdi-disclaimer na ako, para sa mga pakialamerong alagad ng simbahan kuno ang kolum kong ito.

Hindi ko nilalahat o pinatutungkulan ang buong Simbahang Katolika bagkus ay yung mga nagpapagamit sa dilawan kaya walang pakundangan ang pag-atake sa kasalukuyang gobyerno.

Umayos nga kayo sa mga batikos niyo, kayong nasa simbahan na malala na sa yellow epidemic. Panay ang sawsaw n’yo sa mga isyung paninira, bangayang walang humpay at mga ngawang labas na sa turo ng may lumikha.

Kung tutuusin, mayroon kayong sariling isyung dapat ayusin, plantsahin.

Bakit pilit niyong isinisiksik ang mga pagmumukha ninyo at patuloy kayong nagpapagamit sa katarantaduhan ng dilawan para buwagin ang kasalukuyang administrasyon?

Teka nga muna, hindi ba’t ginagawa rin noong panahon ni P-Noy ang ginagawa ngayon ni Pangulong Digong tulad ng pag-impeach sa  Ombudsman at Chief Justice? Ano ngang tawag n’yo sa Pangulo ngayon dahil dito --- diktador?

Eh kay P-Noy noon anong tawag niyo? Wala lang, silencio kayo, mafi, nada. Excuse me, pero hindi eksklusibo ang impeachment na ginawa n’yo nung panahon ni Notpa!

Kung ginawa n’yo noon, bakit hindi puwede sa panahon ni Digong ngayon? Kung tingin niyo diktador si Digong ngayon, anong tingin n’yo

kay P-Noy as in Notpa, noon? Aber sige nga.

Huwag niyong sayangin ang prebilehiyo at kapangyarihang meron kayo - Simbahang Katolika. Bago kayo magsingawa laban sa gobyerno ay ayusin niyo muna ang inyong nasasakupan, ituwid ang maling ginagawa ng inyong mga miyembro at itama ang inyong pangangaral.

Hindi n’yo dapat ginagamit ang simbahan sa mga sa mga ngawngaw na walang katorya-torya, paninira, pag-uudyok, pagkakaroon ng galit at poot. Ang ituro niyo ay kung paano magpasalamat sa lumikha sa atin at huwag sayangin ang buhay na ipinagkaloob lahat sa atin.

Magkalat kayo nang mabuting balita, pagmamahal at pang-unawa hindi paninira, panawagan ng pag-aalsa at destabilisasyon laban sa gobyerno!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with