^

PSN Opinyon

Hinintay na umulan

PILANTIK - Dadong Matinik - Pilipino Star Ngayon

Lahat nagdarasal sana ay umulan

sa nayon at lunsod nitong ating bayan

paano’y maraming natayong halaman

mga magbubukid ay nahihirapan

 

At ngayong dumating panahong tag-ulan

mga tao ngayo’y iba na ang dasal

sa maraming pook tubig umaapaw

baha ay perwisyo sa nayon at bayan

 

Kasalanan ito ng ating gobyerno

mga dapat gawin hindi tama ito

kanal at imburnal ginagawa ninyo

dapat sa tag-araw kayo’y aburido

 

Hindi na matiyak kung inuutos

ng mga opisyal ang kalye’y iayos

o ito ay kusa ng mga kumilos

upang makakupit sa malaking gastos

 

Drainage at imburnal ngayo’y hinuhukay

wala namang utos ang pamahalaan

kalye’y sinisira kanal binubungkal

upang masabi lang na ito’y kailangan

 

Sa araw at gabi tuloy ang gawain

mga kontratista hindi tumitigil

hindi pa nga tapos iniiwan na rin

matapos ang share ganap na angkin

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with