^

PSN Opinyon

Illegal recruiters, bilang na ang araw n’yo

KUNSABAGAY - Tony Katigbak - Pilipino Star Ngayon

HUMANDA na kayong mga illegal recruiters dahil dumating na ang araw para sa inyo. Kung ako ang tatanungin sang-ayon akong ipatupad ni President Digong sa buong bansa ang shoot to kill order para sa illegal recruiters. Kulang pang pambayad ang inyong buhay sa dami ng mga naloko n’yo. Hindi na kayo naawa sa mga kababayan nating mga mahihirap na nagbebenta ng mga ari-arian at nangutang ng may tubo para lang may perang maibigay sa inyo sa kagustuhang makapagtrabaho sa bansang pinangako n’yo, tapos pagdating ng takdang oras nganga ang inabot nila sa inyo.

Kaawa-awa ang inabot ng ating mga kababayan sa kamay ng illegal recruiters. Akala ng iba magandang trabaho ang kalalagyan nila sa ibang bansa yun pala dito pa lang sa ating bansa may palaman ng droga sa mga bagahe nila. Isang halimbawa na si Mary Jane Veloso, di ba biktima yan ng illegal recruiter? Kung bakit naman sa dinami-dami ng napapabalitang ganyang kaso hanggang ngayon marami pa rin ang kumakapit sa illegal recruiters. Puwede naman dumaan sa tamang proseso may ahensiya naman ng gobyerno na puwedeng lapitan.

Nakakatuwa dahil nabigyang pansin ni Digong ang ille­gal recruiters. Tama lang para mahinto na ang gawain ng mga kawatan na ito. Kaya kayong illegal recruiters habang maaga pa huminto na kayo dahil hindi kayo sasantuhin ni Digong. Dumating na ang panahon na pagbabayaran n’yo ang panloloko kahit saan kayo magtago, mahahanap at mahahanap pa rin kayo. Tapos na ang maliligayang araw nyo. Lalo na ngayon may order na si Digong na hantingin kayo.

Sana malipol na ang illegal recruiters sa ating bansa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with