^

PSN Opinyon

Peligrosong polusyon

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

MAS maraming napapatay ang polusyon kumpara sa digmaan, gutom at kalamidad. Ito ang resulta ng isang pag-aaral na isinagawa sa New York. Lahat nang uri ng polusyon ay kabilang sa isinagawang pag-aaral. Polusyon sa ha-ngin, tubig, lupa. Hindi mahirap tanggapin ang resultang ito. Dito lang sa bansa ay problema ang polusyon. Ang mga sasakyang diesel ang pangunahing pinagmumulan ng polusyon ng hangin. Kahit mga bagong sasakyan ay mausok din, dahil hindi talaga malinis ang diesel natin kumpara sa ibang bansa.

Kapag umulan nang malakas, binabalik ng dagat ang basurang itinapon ng mga walang pakialam sa kalikasan at kapaligiran.  Wala na rin tayong mapaglagyan ng araw-araw na basura mula sa lungsod. Hindi magtatagal ay magkakaroon ng epidemya ng sakit na ang sanhi ay polusyon. Ang problema ay walang solusyon ang gobyerno para tukuyin ang isyu na ito. Itatambak na lang muna ang basura sa mga tambakan na unti-unting napupuno na, at hindi naman napapaganda ang uri ng diesel sa bansa. Walang tigil din ang pagtapon sa mga sapa, ilog at dagat ng basura, kung saan hindi naman nagiging mahigpit ang mga lokal na pamahalaan.

Hindi talaga mapagsasabihan ang mga nakatira sa tabi ng mga sapa at ilog na huwag magtapon ng basura sa tubig. Kaya ang tanging solusyon ay ilipat na ng gobyerno sa mga relocation centers. Alam ko mahirap at masalimoot ito, pero iyan lang ang solusyon sa pagtigil ng pagtatapon ng basura sa tubig. Sanhi rin ng matinding pagbaha ang pagbara ng mga sapa at ilog, kaya hindi lang isang problema ang mabibigyan ng solusyon.

Tungkol naman sa diesel, walang ibang solusyon kundi pagandahin ang kalidad ng diesel. Sa ibang bansa, mas mahal pa nga ang diesel kumpara sa gasolina. Nagtataka nga ako kung bakit mga trak at sasakyan sa ibang bansa na gumagamit rin ng diesel ay hindi naman mausok. Dito sa atin, kahit bagong sasakyan ay bubulwak ng makapal na usok kapag tinapakan ang silinyador. Kaya hindi ang sasakyan ang may problema, hindi ba?

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with