^

PSN Opinyon

Mabilis na kilos ng EPD chief

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

KUNG sumadsad man sa pinakamababang antas ang popularidad ni Pres. Rodrigo Duterte sa mga naglabasang survey ng SWS nitong mga nagdaang araw, natural lamang ito dahil ito ang pulso ng sambayanan sa walang humpay na patayang nagaganap sa bansa. Ito ay ang mga napapatay ng riding-in-tandem na hindi napagtuunan ng pansin ng Philippine National Police (PNP). Kaya sa silakbo ng galit ni Digong inalisan niya ng kapangyarihan ang PNP at inatang na lamang ito sa Philippine Drug Enfrorcement Agency sa pamumuno ni Gen. Aaron Aquino. Ang masakit nito, kakarampot lamang ang mga tauhan ni Aquino para mahabol ang mga kilabot na sindikato ng droga sa bansa.

Sa kasalukuyan, 1,700 lamang ang members ng PDEA kumpara sa PNP na 183,000. Kaya hindi maiwasan na sa mga darating na mga araw ay gagamitin din ng PDEA ang PNP sa kanilang operasyon sa pakikipaggiyera sa droga. Ngunit kung pupulsuhan si Digong, ayaw na niyang pasawsawin  pa ang PNP at iba pang law enforcers, hehehe! Huwag naman sanang maging “union skin” si Digong, dahil ang sinimulan niyang pakikipagdigma sa droga ay damang-dama na ng may 16 milyong bumoto sa kanya. May iilan lamang ang nadismaya rito dahil nga sa patayang nagaganap na hindi nabigyan ng sulusyon ni PNP chief Dir. Gen. Ronald “Bato” dela Rosa. Ang tinutukoy ko mga suki, ay ang walang puknat na pamamaril ng mga riding-in-tandem, pagpasok sa mga kabahayan ng Bonnet Gang na pumapatay ng mga pinaghihinalaang pushers/users.

Napikon si Bato kung kaya tinawag niyang mga “ingrato” ang mga tumutuligsa sa kanilang pakikipagiyera kontra droga. Kaya nang alisan sila ng kamandag ni Digong, natigil ang Oplan Tokhang at Double Barrel Reload ni Bato. Kapansin-pansin na nabawasan ang patayang nagaganap sa bansa. Subalit kung namahinga man ngayon ang riding-in- tandem, nagpipista naman ngayon ang mga adik sa kalye. Lumaganap naman ang street crimes, motornappers at pananambang sa mga opisyales ng pamahalaan. Ito ang hamon sa kredibilidad ni Bato na dapat niyang harapin, kasi nga kung nabawasan sila ng trabaho matapos na i-itsapwera sa pakikipaggiyera sa droga na pangunahing programa ni Digong panahon na para harapin naman niya itong mga salot sa lipunan na sumisira sa rating ni Digong. Malinaw na kumpas lamang ni Bato sa kanyang mga tauhan ang makakapagpagalaw upang mapagtuunan ang iba’t ibang krimen sa bansa.

Kaya bilang pagtalima sa kautusan ni Bato na tugisin ang mga kilabot na criminal kumilos agad si Eastern Police District Director Chief Supt. Romulo Sapitula. Binuo niya ang Special Investigation Task Group (SITG) na pinamunuan ni S/Insp. Virgilio C. Platon at naaresto si Christopher Calumbay pangunahing suspek sa pagpatay kay Bgy. Poblacion Chairman Godofredo Tolentino ng Mandaluyong City.

Naaresto si Calumbay sa isang food store sa may EDSA/Boni MRT Station. Iniutos din ni Sapitula na habulin pa ang ilan pang suspek para malaman kung sino ang mastermind sa pagpatay sa barangay chairman.

Gawing halimbawa ng kapulisan ang ipinakitang gilas ni Sapitula. Abangan!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with