^

PSN Opinyon

Martial law forever

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

KUNG hindi man forever, ang martial law sa Mindanao ay posibleng manatili hangga’t Presidente ng bansa si Rodrigo Duterte.

Sabi kasi niya, hangga’t hindi napapatay ang pinakahuling terorista ay mananatili ang batas militar. Isang bagay iyan na hindi mangyayari. Terrorism will be in the world to stay.

Mga bulag at walang rason ang mga terorista, at kahit walang lohika ang ginagawa, ipagpapatuloy nilang gawin ito. Matatawag silang mga “blind ideologues.”

Ang tanging magagawa lang ng mamamayan at ng pamahalaan ay maging mapagmatyag para  mapigilan ang paglaganap nito. Ganyan ang ginagawa ng lahat ng bansa, at yung iba ay naghihigpit na  ng patakaran sa imigrasyon para mapigilan ang pagpasok sa kanilang lupain ng mga teroristang nagbabalatkayong refugees o turista.

Tinanong ng mga mamamahayag ang Pangulo kamakailan kung kailan magwawakas ang martial law ngayong napatay na ang mga pangunahing leader nila na sina Isnilon Hapilon at Omarkhayam Maute. Kung inaakala ng Pangulo na martial law lang ang makasusupil sa terorismo, talagang wala siyang balak alisin ito kahit may mga taong umaayaw sa batas militar.

Para sa akin, hindi na kailangan ang martial law basta’t mananatiling nakapostura ang militar para labanan at pigilin ang patuloy na paglakas at paglago ng mga ito.  Kailangan din ang pakikipagtulungan ng sambayanan sa pamamagitan ng pagbibigay ng impormasyon kung may nalalaman hinggil sa kilusan ng terorismo. Dapat maging episyente ang intelligence network ng pamahalaan.

Kung hindi magiging alerto ang lahat, kahit pa sabihing wala nang leader ang mga terorista, puwede silang kumilos para mabuo muli ang organisasyon at makahanap ng ibang leader.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with