^

PSN Opinyon

Bagong simula sa Marawi

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. - Pilipino Star Ngayon

SA wakas ay nagtagumpay na ang ating armed forces laban sa mga rebelde at terorista sa Marawi. Sa limang buwang pakikipagsagupaan sa pinagsamang puwersa ng mga Pilipino at dayuhang konektado sa militanteng ISIS, mahigit 160 na buhay  ang binuwis ng ating sundalo at kapulisan. Lampas 800 namang militante ang kumpirmadong napatay.

 Hindi makukuwenta ang halagang sisingilin sa atin ng Marawi. Tinatayang mahigit 1,700 na sibilyan ang na-hostage. Mahigit 350,000 ang napilitang mangibang bayan upang matakasan ang karahasan. Wala na silang babalikang mga bahay at pawang mga nasabugan na ng bomba at bala galing sa magkabilang puwersa. Hindi bababa sa P50 billion ang kakailanganin upang maitayong muli ang Marawi.

 Labas pa rito ang hindi maitalang istatistika ng giyera. Hanggang ngayon ay dumadagsa ang balita ng mga kahayupang dinanas ng mga nabihag. Pagpatay, panggahasa, at marami pang panghamak sa pagkatao. May mga biktimang walang pisikal na pruweba subalit malalim ang emosyonal na sugat. Matatagalan bago tuluyang malampasan ang mapait na karanasan.

 Kaya maganda ang balita na agad lumusong ang pamahalaan sa rehabilitasyon ng Marawi. At nakatutuwa na ang Kagawaran ng Edukasyon ang nangunguna. Pangalawang araw pa lang matapos ibida ng Pangulo ang tagumpay, nariyan na sa ibaba ang DepEd at nagsasagawa na ng assessment sa pangangailangan ng mga paaralan. Hindi lang ang mga istruktura ang sinusuri – kasama na rin ang school supplies at iba pang gamit sa pag-aaral.

 Mahigit 20,000 ang mga istudyanteng natigil sa pag-aaral dahil sa digmaan. Hindi lahat ay nahanapan ng DepEd ng iskuwelang malilipatan. Hanggang Maynila ay umabot ang mga senior high school students – ilan sa kanila ay nabigyang kalinga ng pamahalaan Lungsod ng Maynila sa pangunguna ni Pangulong Mayor Joseph E. Estrada. Sa Universidad de Manila sila ipinasok. 

Magandang simula ang pagkilos ng gobyerno sa pamamaraan ng DepEd. Ang tunay na rehabilitasyon ng Marawi ay mag-uumpisa sa mga bata at mag-aaral. Sila ang kinabukasan ng bayan. Sa kanilang pagkatao dapat itutok ang mga reporma na sisigurong lahat tayo ay may matututunang aral sa nangyari sa Marawi.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with