^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Mga bulok na dyipni wawalisin na sa Enero

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Mga bulok na dyipni wawalisin na sa Enero

HANGGANG Enero 2018 na lamang ang mga kakarag-karag na dyipni. Ito ang babala ni Pres. Rodrigo Duterte noong Martes nang magsalita sa Federalism Summit sa Pili, Camarines Norte. Kapag hindi sumunod sa modernisasyon ang mga operator ng bulok na dyipni, ipaaaresto na niya ang mga ito. Kailangang sumunod daw ang mga operator at drayber sa sinasabi ng gobyerno. Matagal na raw ang pagsasamodernisa ng mga dyipni. Huwag din daw isubo ang mamamayan sa pagkakasakit dulot ng nakakalasong usok na binubuga ng mga bulok na dyipni. Kapag hindi raw sumunod ang mga bulok na dyipni susuyurin niya ang mga ito at napa-putang-ina pa ang Presidente.

Ang pagbabanta ni Duterte ay itinaon sa ikala-wang araw ng tigil pasada na isinagawa ng grupong Piston. Noong Lunes unang nagsagawa ng tigil pasada ang Piston kaya sinuspindi ang klase sa lahat ng antas at pati na ang mga trabaho sa government offices. Sa ikalawang araw ng tigil pasada, muling sinuspindi ang klase at trabaho. Sabi ni Duterte ang Piston ay ginagamit ng Communist Party of the Philip­pines para magsagawa ng mga protesta. Nagbanta naman ang Piston na magsasagawa pa sila ng tigil pasada sa mga susunod na araw.

Tutol ang Piston sa phase-out at modernisasyon ng mga dyipni at sa halip dapat daw i-rehabilitate ang mga ito. Maaari pa naman daw ipasada. Kapag na-phase-out saan kukuha ng ipakakain sa pamilya ang mga drayber. Pero sabi ng LTFRB, hindi naman ipi-phase-out ang mga dyipni kundi ang aalisin lang ay ang 15 taong gulang pataas. Depektibo na ang mga dyipni at delikado sa riding public. Tutulungan naman daw ang operator para makabili ng bagong unit.

Tama lang na walisin na sa Enero ang mga dyipni. Matagal nang plano ang modernisasyon at kung titiklop sa transport groups gaya ng Piston, hindi maipatutupad ang modernisasyon. Tama rin ang Presidente na ang mamamayan ang nagsa-suffer dahil sa air pollution na dulot ng mga bulok na dyipni.

Ipatupad ang modernisasyon at huwag ipagpa-liban. Hatakin na ang mga bulok na dyipni pagsapit ng Enero.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with