^

PSN Opinyon

Ibang klaseng ayos

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. - Pilipino Star Ngayon

NASA 88% ng mga Pilipino ang todo suporta sa drug war ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ayon sa latest survey ng Pulse Asia. Mula nang naupo ang Pangulo noong 2016, naging palaisipan at ugat ng matinding hindi pagkakaunawaan ang pamamaraang pinili sa kampanya laban sa iligal na droga.

Hanggang sa ngayon, hindi pa rin matahimik ang mga kritiko sa hindi maitagong  karahasan. Kahit saan kasi ibaling ang atensyon, bubulaga sa iyo ang walang awat na pamamaslang sa mga sangkot sa droga. Lalo pa ito lumalala kapag nagbubulag-bulagan ang mga tagapagsalita ng administrasyon. Kagaya ng nagawa ni Kalihim Alan Peter Cayetano sa harap ng international audience nang itanggi nito sa TV interview na may extrajudicial killings (EJKs) sa ilalim ng pamahalaang Duterte.

Kung hindi pa ito sapat upang gulatin tayo, ano pa ang masasabi natin sa istatistika ng 73% sa atin na naniniwalang may EJKs na nagaganap sa drug war ng Duterte administration? Ang gustong sabihin ay kasama sa 88% na suporta ng lipunan sa drug war ng Pangulo ang pagtanggap sa mapait na katotohanan na hindi “panlalaban” ang sanhi ng libu-libong pagkamatay ng ating mga kababayan. Sadya silang pinapatay dahil sa pagkasangkot nila sa droga at sa kamay mismo ng kinauukulan nagmumula ang karahasan.

Nakaliligalig ang konklusyon dahil para na ring sinabi na ayos lang sa atin ang pamamaraang ginagamit, maski malinaw na hindi ito naaayon sa batas. Kahit ano bang gawain ay masisikmura natin basta lamang malabanan ang salot ng droga? Kung ganito na kagasgas ang konsyensya ng Pilipino, panahon nang muling bisitahin ang ating mga pundasyon bilang mamamayan na naniniwala sa kahalagahan at ng pananaig ng batas.

Sa ilalim ng isang demokrasya, laging mangingi­babaw ang interes ng marami. Iyan ang definition at kaayusang hatid ng demokratikong pamumuhay. Subalit anong klaseng ayos ito kung masisiguro lamang sa pamamagitan ng pagbasura sa interes ng minorya?

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with