^

PSN Opinyon

‘Ampalaya moment para sa mga anti-Duterte’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

NAGBUBUNYI ang buong bansa sa pagkakapaslang sa dalawang notoryus na terorista sa Marawi na sina Omar Maute at Isnilon Hapilon.

Magandang balita ito at napakaganda rin ng maidu­dulot sa ating bansa. Maibabalik ang kumpiyansa ng mga dayuhang investors gayundin ng mga turista. Habang ang lahat ay nagdiriwang sa tagumpay na ito, may mga tila nakakain ng ampalaya dahil sa pakla ng kanilang mga reaksiyon sa nangyari.

Sino pa nga ba ang tinutukoy ko, walang iba kundi ang kontrapelong dilawan na sa umpisa pa lang, gigil sa paninira at pagkontra sa base militar na idineklara sa Marawi. Eh di ba noon, isinisisi ng mga yellowtards sa militar ang paglala ng sitwasyon  sa Marawi? Pero nga­yon, pinuri ang buong hukbong sandatahan ng Pilipinas – ang Armed Forces of the Philippines, may pa-snappy salute pa ang isa.

But wait, pansining maigi, initsipuwera ang Commander in Chief ng AFP, si Pres. Rodrigo Duterte na sa simula pa’y nakatutok sa labanang nagaganap sa Min­danao.

Hindi maikakaila ng kahit sino na naging sa lalamunan ng ating pangulo tinik ang pagkubkob sa Marawi pero nanatiling hands on si Digong sa mga pangyayari.

Maaaring hindi nila alam o nagbubulagbulagan o nag­tatanga-tangahan na naman (as usual) ang mga de­tractors ng administrasyon na panay ang lipad ng Pangulo papasok at palabas ng Marawi makapagbigay lamang ng suporta sa mga nakapronta sa bakbakan. Ito ay sa kabila ng payo ng kaniyang mga military advisers na huwag munang pasukin ang mapanganib na probinsiya noong mga panahong ‘yun.

Dahil ampalaya at maang-maangan mode na naman sila, hindi nila malunok ang katotohanang ito ang tatak ng totoong lider o pinuno. Walang ibang pangulo sa kasaysayan ng Pilipinas na gumawa ng mga ginawa ni Digong kung ang pag-uusapan ay bakbakan. Habang nakikipagbakbakan ang mga sundalo at panay ang biyahe ni Pangulong Duterte sa Marawi, nasaan kayong mga yellowtards? Waley, puro kayo kiyaw kiyaw!

Alam ko na sa tagumpay na ito, tikom ang inyong mga bibig, hindi kayo maka-kontra kaya pamumuri na lang sa ating mga militar ang inyong magagawa ngayon. Oo nga naman, hindi kayo makakagawa ng isyu dito dahil magmumukha kayong mga eng-eng!

 

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with