^

PSN Opinyon

Huli ang pekeng pulis(Last part)

IKAW AT ANG BATAS - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

NOONG hapon, nakipagtagpo nga ang tatlo kay Bong na nakapuwesto sa isang mesa at agad na hiningi ang balanse. Nang maibigay ang pera, agad na dinampot ng mga pulis si Bong at inaresto. Nakuha sa kanya ang mga pekeng ID sa pagpapanggap niya bilang Narcom agent; ang kinuha niyang  ID ni Peachy at driver’s license ni Bubbles pati isang baril na kalibre .45 kasama ang anim na bala at 16 na pakete na may lamang tabletas na korteng candy at kulay tsokolate na marijuana pala.

Kinasuhan si Bong sa paglabag sa batas (R.A. 6425 as amended by R.A. 7659, Sec. 8, Art. II in relation to Sec. 2 (e-1) (i) Art.1) dahil sa pagkakaroon niya ng 84.55 gramong marijuana pati na sa dala niyang baril na may anim na bala na walang kaukulang permiso (PD 1866).

Tumestigo ang tatlong dalaga pati na ang mga pulis laban kay Bong. Depensa naman ng lalaki ay nakikipag-usap lang siya kay Peachy nang hulihin siya ng mga pulis. Itinanggi niya na siya ang may-ari ng marijuana at ng baril.

Matapos ang paglilitis ay napatunayan ng korte na nagkasala si Bong at talagang ginawa ang mga krimen na ibinibintang sa kanya. Hinatulan siya ng reclusion perpetua para sa nakuhang illegal na droga at anim na taon hanggang walong taong pagkabilanggo naman para sa illegal possession. Tama ba ang korte sa naging hatol?

TAMA. Malinaw ang naging testimonya ng mga testigo tungkol sa pagkakuha ng illegal na droga at baril kay Bong sa entrapment operation na ginawa ng mga pulis. Inamin pa nga niya sa pamamagitan ng sariling sulat kamay ang tungkol sa pagtanggap ng P4,000 at ang balanseng P26,000 para lang hindi kuno isumbong ang tatlong dalaga.

Walang dahilan para hindi paniwalaan ang mababang hukuman lalo sa isyu ng kredibilidad ng mga testigo sapagkat napag-aralan nitong mabuti ang kilos at pananalita ng mga testigo sa paglilitis kumpara sa CA at SC.

Parehas ang naging hatol maliban sa binago ang sentensiya sa illegal possession of firearms, na ginawang apat na taon at walong buwan hanggang pitong taon at isang araw na lang (People vs. Samson, G.R. 19377-78, May 29, 2002).

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with