^

PSN Opinyon

Tong collection

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

KAPAG plantsado na at nagsimulang mangolekta ng tong sa mga pasugalan at iba pang pagkakitaan ang mga bataan ni CIDG chief Dir. Roel Obusan, magiging lagom na ang labanan. Ito ang kumakalat na usap-usapan ng mga iligalista sa Metro Manila. Ang lagom ay ‘yung mga operating office na ng CIDG ang ikokolekta nila. Ewan ko lang kung alam na ito nina Pres. Rodrigo Duterte at PNP chief Dir. Gen. Ronald  ‘Bato’ dela Rosa. Kaya sa ngayon pa lang ang idinidiga ng mga bataan umano ni Obusan ay ang mga unit sa CIDG na Special Task Force (STF), Intelligence Division (I2), Women and Children Protection Unit (WCPU), at Major Crimes Investigation Unit (MCIU). Sa pagkaalam ko, nais ding isama ng kolektor ni Obusan ang CIDG National Capital Region (NCR) subalit hindi ko pa alam kung natuloy ito.

Kapag ginawang lagom ang tong collection ng mga bataan ni Obusan, ang tatamaan ay small-time players dahil hindi nila makakayanan ang sobrang daming ope­rating unit na bibigyan. Umaangal ang mga small time operator dahil di makayanan ng budget nila ang tara ng mga bataan ni Obusan at malamang magsasara na sila! Mag-legal na negosyo na kasi kayo para di pakialaman ng CIDG. Akala ko ba ayaw ni Pres. Duterte ng corruption, e ano itong ginagawa ng mga bataan ni Obusan? Maliwanag na corruption. Malalaman sa linggo na ito kung iikot ang mga bataan ni Obusan matapos ang drama na “no take’ ng halos isang buwan. Lumalakas ang balita na nadispatsa na ang tropa ni Baby Marcelo, ang bagman noon ni Gen. Marcelo Garbo na isinangkot ni Duterte sa droga dahil sa pagsunog nito sa parating para sa kausap nila. Kaya ang matunog na pangalan ay kina Cols. Lawrence Cajipe at Libunao.

Subalit may mga suki naman akong nagsasabi na sina Cajipe at Libunao ay mga “dummy” lang ni Baby Marcelo. Maarok din kayo at hindi n’yo maitago sa kalye ‘yan. Humahangos namang nagbalita sa akin ang mga suki ko na nag-iikot ang mga bataan ni Obusan para alamin ang mga relasyon ng mediamen na tumitira sa CIDG para kanilang ma-raid. Iba rin ang paraan ng mga bataan ni Obusan. Tit for tat na ang labanan ng CIDG sa mga mediamen matapos ulanin sila ng birada ukol sa tong collection sa pasugalan, paihi, prostitution at iba pang pagkakitaan.

Sana magtagumpay ang CIDG. Kung sabagay, ang unang sisingilin ng mga bataan ni Obusan ay ang hindi nila nakuhang intelihensiya mula nang magdeklara ang CIDG director ng no take policy sa pasugalan. Sa totoo lang, nakaimbak lang ito dahil alam naman ng financiers na sisingilin din sila sa pagbabalik ng tong collectors sa kalye. Kaya happy days na naman si Obusan matapos ang drama na no take. Monitoring lang ako kung kaninong grupo ang gagamitin ni Obusan! Abangan!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with