^

PSN Opinyon

Walang pakundangang karahasan sa Pilipinas

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

DAYUHAN na ang nakapuna: malala na ang kawalang pakundangang karahasan sa ating bansa. Pinaka-grabe nga ang Pilipinas sa 69 na bansa sa impunity, ayon sa Global Impunity Index ng Universidad de las Americas. Dahil ‘yan sa matinding banta sa mamamayan ng mga organisadong kriminal at teroristang Islamista. Wala halos nahuhuli ang pulis na mga sindikato ng bayarang mamamatay-tao, at kasalukuyang nakikipagbakbakan pa ang Maute sa militar sa Marawi City. Pinupuna rin ang madugong war on drugs ni President Rodrigo Duterte.

 Pinuntuhan ng pagsusuri ang Pilipinas nang 75.6 sa karahasan at kawalan ng katarungan. Kasunod lang ang India, 70.94; Cameroon, 69.39; Mexico, 69.21; Brazil, 66.72; Colombia, 66.67; Nicaragua; 66.34; Russia, 65.39; Paraguay, 65.38; Honduras, 65.04; at El Salvador, 65.03.

“Impunity” kapag imposible magawaran ng hustisya ang mga naghahasik ng karahasan, anang UN Commission on Human Rights. Ang mga bayolente ay hindi naaaresto, nalilitis, napaparusahan, at ang mga biktima hindi nabibigyan ng katahimikan. Gan’un nga naman ang Pilipinas. Ni hindi man lang inaaral ng gobyerno ang suliranin.

Ihalimbawa ang pagmasaker ng 44 na Special Action Force police commandos sa Mamasapano nu’ng 2015. Dalawang taon na ang lumipas, wala pang nahuhuling suspek na kasapi ng Moro Islamic Liberation Front at kasapakat na Bangsamoro Islamic Freedom Fighters. Samantala, ipapamahala sa MILF ang isang pinalawak na Bangsamoro Autonomous Region sa Mindanao.

Hindi rin sinusuri ang patuloy na radikalisasyon ng mga Muslim kaya sumasapi sa Maute, Abu Sayyaf, Ansar Kalifa Philippines, Kalifa Islamiya Mindanao, atbp. Ipapaubaya na lang sa MILF ang pagtrato sa kanila. Malamang lumagapak ang Bangsamoro Region -- lalong gugulo.

Naglipana ang murderers-for-hire at vigilantes. At patuloy ang pag-abuso sa anti-drug war -- na ikinamamatay ng mga menor de edad.

vuukle comment
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with