^

PSN Opinyon

Suportahan ang PDEA

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

MATAPOS iutos ni Pres. Rodrigo Duterte na PDEA na ang mangunguna sa kampanya sa iligal na droga, at hindi na raw siya makikialam sa “drug war”, puro banta at babala naman ang lumalabas mula sa administrasyon. Si Duterte mismo ang nagbabala na may malubhang kahihinatnan ang paghina ng kampanya sa iligal na droga. Tila sinasabi na dahil PDEA na at hindi ang PNP ang mangunguna sa mga operasyon, hindi ito magiging ka­sing “matagumpay” tulad ng madugong kampanya ng Oplan Tokhang. Si PDEA Director General Aaron Aquino mismo ang nagsabi na mababawasan ang madugong kampanya sa droga. Iimbitahin ang media sa mga ope­rasyon, at lagi silang magsusuot ng mga body cam. Ang nais ay maging transparent ang mga operasyon.

Ang sukat kasi ng tagumpay ng PNP at ng administrasyon ay kamatayan para sa mga sangkot sa droga. Libo-libo na ang napapatay. Pero pati ba ang pagpatay sa mga hindi naman “nanlaban” at inosente ay itinutu­ring tagumpay? Ang pagpatay kina Kian Delos Santos at Carl Angelo Arnaiz, pati na rin kay Reynaldo de Guzman ang nagbago sa pananaw ng marami sa kampanya ng PNP, kung saan ang naging epekto ay ang pagbaba ng tiwala sa administrasyong Duterte. Sa dami-dami na ng mga napapatay dahil umano sa droga, hindi na matanggal sa isipan ng marami na may mga inosente o hindi naman talaga nanlaban, na hindi lang mapatunayan dahil walang CCTV at testigo tulad ng kaso nila Delos Santos at Arnaiz. 

Wala naman argumento mula sa lahat na kailangang sugpuin ang iligal na droga. Ang ikinabahala lang ng mamamayan ay ang sukatan nga ng administrasyong ito sa tagumpay, kung saan lumabas na nga na may mga napapatay na inosente. Imbis na magbanta o magbabala, na may kasama pang panunuya na humingi na lang ng tulong sa human rights ang PDEA kung nahihirapan, sana naman ay bigyan ng suporta ang PDEA, imbis na inaasahan silang mabigo. Parang ito nga ang inaasahan ng administrasyon, para mabigyan ng pangangatwirang ibalik na naman ang Oplan Tokhang.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with