^

PSN Opinyon

Lumalalang raket kapag may sakuna

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

BUMUBUHOS pa lang ang bagyo, nanghihingi na ang cyber-criminals ng donasyon para sa mga huwad na charity organizations. Lantarang nanlalansi ang e-mails na magdeposito ang mabubuting loob sa bank accounts­ ng kriminal, o kaya dinidirekta ang mga biktima sa phishing sites o malware. Nangyayari ito sa buong mundo. Hindi natutulog ang mga kriminal. Sinasamantala nila ang mga lindol, sunog, sabog bulkan, at bagyo para makalansi sa online. Sa US, ayon sa FBI, mahigit 300,000 ang nagbigay ng $1.3 bilyon sa mga pekeng charity ng sakuna.

Napakadali kasi gumawa ng website o social media account para sa pekeng charity. Hindi lang pera kundi personal data ang ninanakaw. Hindi pa uso ang Facebook at Twitter, laganap na ang pagsasamantala sa online tuwing may disaster. Mabilis ang modus operandi; maaring sa kung saang lupalop nakatago ang kriminal. Bukod sa cash, nakakahingi sila ng relief goods at reconstruction materials.

Marami pang ibang paraan ng pagraraket sa sakuna. Merong mga bihasa nang magpanggap na biktima, at pupunta sa nasalantang lugar para magpalista bilang biktima. Nakakakuha sila ng cash, pero masaklap kung nabigyan pa ng gamot, pagkain, kagamitan, at pabahay.

Merong mga nangraraket sa insurance. Sadyang mina­maneho ang kotse sa baha para makakubra ng cash, na ipambibili ng bagong sasakyan. Halaw ito sa matagal nang raket ng pagsusunog ng sariling pabrika para kumubra ng fire insurance.

Dapat maging mapangmatyag ang mga mabubuting loob at negosyante. Huwag basta mag-abuloy sa kung ano-anong charity group. Kilalanin kung matitinong tao ang nasa likod ng bibigyan ng abuloy. Huwag direktang mamahagi ng tulong sa pook ng sakuna. Alamin sa barangay officials o kura paroko kung sino ang mga nangangailangan.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

vuukle comment
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with