^

PSN Opinyon

EDITORYAL - DENR Sec. Cimatu, linisin ang hangin sa Metro

Pilipino Star Ngayon
 EDITORYAL - DENR Sec. Cimatu, linisin ang hangin sa Metro

MABILIS na nakumpirma ng Commission on Appointment (CA) si DENR Secretary Roy Cimatu. Iba ang kanyang kapalaran kaysa kay dating DENR Secretary Gina Lopez na masyadong pinahirapan ng CA.

Larawan ng saya si Cimatu makaraang makumpirma. Ang ngiti ay sukdulan sapagkat ganap na siyang kalihim ng DENR. Magagampanan na niya nang walang alinlangan ang tungkulin. Buung-buo na ang kanyang tiwala.

Ngayong kumpirmado na siya, kailangang harapin na niya ang maraming hamon. At isa sa matin­ding hamon na dapat niyang iprayoridad ay ang air pollution sa Metro Manila.

Ayon sa data na nilabas ng DENR-Environmental Management Bureau ang air pollutant concen­trations­ sa Metro Manila ay umabot na sa 130 micrograms per normal cubic meter (NCM). Masyadong ma­taas ito. Sobra na ang level ng lason na nasa hangin.

Ayon sa Department of Health (DOH), ang maru­ming hangin ay nagdudulot nang maraming sakit gaya ng allergies, acute respiratory infections, chronic obstructive pulmonary diseases, cancer at cardiovascular diseases. Ayon pa sa DOH, nakaamba ang panganib sa mga pasahero at pedestrians dahil sila ang nakalantad sa maruming hangin. Araw-araw, nalalanghap ng mga pasahero at pedes­trians ang maruming hangin na dulot ng mga sasakyan. Bukod sa usok ng mga sasakyan, nalalanghap din ang mga usok ng sinunog na basura, goma, at harmful wastes na delikado sa kalusugan.

Sabi ng isang health official, hindi nabibigyang pansin ng gobyerno ang isyu ukol sa air pollution. Ito ang nararapat unahin sapagkat nakasalalay ang buhay ng mamamayan.

Malaking hamon kay Cimatu ang air pollution. Ngayon makikita kung karapat-dapat ba siyang pamunuan ang DENR. Magkaroon sana ng sigasig si Cimatu para linisin ang hangin sa Metro Manila. Kawawa naman ang mga susunod na henerasyon kung hindi makakalanghap ng sariwang hangin.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with