^

PSN Opinyon

PDEA na

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

INIUTOS ni Pres. Rodrigo Duterte na ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na ang mamumuno sa mga operasyon sa iligal na droga. Kapansin-pansin na inilabas ang bagong utos ilang araw matapos lumabas ang pinakabagong survey sa tiwala at kaluguran kay Duterte, kung saan bumaba ng higit 10 porsiyento. Marami ang nagsasabi na hindi na ikinatutuwa ng publiko ang madugong kampanya ng PNP sa iligal na droga, kaya inilipat na sa PDEA ang responsibilidad, para “mas matukoy ang pananagutan” ng mga umaabuso sa kampanya. 

Nakakalito. Ito naman ang pahayag ng Free Legal Assistance Group (FLAG) sa pahayag ni Duterte na ang PDEA ang tanging mamumuno sa mga operasyon sa iligal na droga. Meron daw batas na nagsasaad na ang PDEA ay hindi puwede maging tanging ahensiya na mamuno sa mga operasyon. Kailangan daw kabalikat ng PDEA ang PNP at NBI pagdating sa droga. Kapag may paglalabag lang ang PNP o NBI sa Comprehensive Dangerous Drugs Act, ang PDEA ang puwedeng mamuno. Ang PDEA ay nasa ilalim ng Office of the President.

Kung ganun, hindi na magsisigawa ng mga operas­yon ang mga pulis, tulad ng mga madugong operasyon sa Caloocan? Ibig sabihin ba ay mababawasan na ang mga patayan sa bansa? Ito ba ang dahilan ng Presidente para gawing lead agency ang PDEA, para magbago na ang takbo ng kampanya sa iligal na droga kung saan libo na ang napapatay? Ibig sabihin ba ay hindi na magsasalita si PNP chief Dir Gen. Ronald dela Rosa sa kampanya sa iligal na droga? Ayon sa kanya, makakarelaks na raw ang PNP, at matutukoy na ang mga ibang krimen. Ibig sabihin pala ay wala nang ibang krimen na natutukoy ang PNP noon. Parang ganun nga ang basa ko diyan. Pero hindi ba inaprubahan ang P900 milyong budget sa PNP para sa kampanya kontra iligal na droga? Ano na ang mangyayari riyan? Mapupunta na sa PDEA? Baka mas maging aktibo naman ang mga grupong pumapatay sa labas ng batas? Maghihintay na lang siguro ang mamamayan ng mga resulta ng bagong utos na ito ng Presidente.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with