^

PSN Opinyon

All-out war

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

NAGDEKLARA ng all-out war laban sa pasugalan si CIDG chief Dir. Roel Obusan. Seryoso kaya si Obusan? Kasi nga nangharabas ang mga tauhan ni Obusan sa Maynila nang nakaraang linggo at karamihan sa mga tinamaan ay nagsarahan. Bakit! Hindi takot ang financiers sa raid ni Obusan na maisara ang mga puwesto mga suki kundi dahil sa na-doble ang tong collectors nila. Kasi nga mga suki, nagbibigay na ang mga financiers ng lingguhang intelihensiya kay alyas Boyet Kalabaw subalit nais din ng isang Ronnel Tuazon na bigyan din siya. Ano ba ‘yan? Itong si Boyet Kalabaw mga suki ay bagman ni Baby Marcelo, na bata ni retired police general Marcelo Garbo noon, ang isa sa limang PNP official na idinawit ni Pres. Duterte sa droga.

Samantalang si Tuazon naman ay bata ni Col. Lawrence Cajipe ng AOCG ng CIDG. Nag-aagawan sila bilang tong collector ni Obusan itong kampo nina Baby Marcelo at Col. Cajipe? Ano sa tingin n’yo mga suki? Mukhang late na itong all-out war ni Obusan laban sa pasugalan. Kasi nga mga suki, nagbabala itong si PNP chief Dir. Gen. Ronald ‘Bato’ dela Rosa na sisibakin n’ya ang mga matataas na opisyal ng PNP kapag sumablay sila sa kampanya laban sa pasugalan halos dalawang buwan na ang nakaraan. Ewan ko lang kung may takot itong mga opisyal na isinumbong sa akin kay chief ‘Bato’? Bakit ngayon lang sumunod itong si Obusan sa kautusan ng kaklase niya sa PMA Class ’86? Hehehe!

Sinabi ng mga kosa ko sa CIDG, na naging tampok ng maaanghang na birada sa media si Obusan matapos tablahin ng tropa ni Baby Marcelo ang mga dating­ binibigyan nila ng grasya. Dahil sa sitwasyon, nais palitan ni Obusan itong tropa ni Baby Marcelo kaya pumasok bigla naman ang kampo ni Cajipe. At dahil dalawang kampo ang nangongolekta para sa opisina ni Obusan, nahilo ang financiers ng pasugalan sa Metro Manila. Hehehe! Nagmukhang pera tuloy si Obusan sa pananaw ng ilang opisyal na napapagod na sa kahahabol sa drug pushers/users na naglilipana sa mga sulok ng Metro Manila sa pagganap sa kautusan ni President Rodrigo Duterte, di ba pareng Julius Sir?

Itong all-out war kaya ni Obusan laban sa pasugalan ang naisip n’yang paraan para matigil na itong kampo nina Baby Marcelo at Cajipe sa panghaharabas sa kalsada? Pustahan tayo mga suki at hindi magtatagal itong all-out war ni Obusan dahil saan kukunin ng mga opisyal ng PNP ang budget para sa kampanya nila laban sa droga? Sa MOOE o sa suweldo nila? Hehehe! Kaingratuhan naman ‘yan, di ba mga suki? At kapag hindi na kumilos ang PNP sa kampanya ni Pres. Duterte laban sa droga, baka mapaaga ang paglisan ni chief ‘Bato’ sa PNP at si Obusan ang mawawalan, get nyo mga suki? At habang nanghaharabas itong mga tauhan ni Obusan sa kalye, nanghihinayang na nakatingin sa kanila ang mga operatiba ng Intelligence Group, NCRPO, ang limang police district at 38 police stations sa Metro Manila, maging ang mga PCP at pati barangay. Hehehe! Gutom sila. Abangan!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with