^

PSN Opinyon

Destroy the enemies

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

MUKHANG ito ang prinsipyo sa politika na ginagamit ng administrasyong Duterte sa lahat ng mga tao o institusyong hadlang sa kanyang political agenda: Destroy the enemies.

Kahit mga ahensyang konstitusyonal tulad ng Ombudsman at Korte Suprema ay maaaring paralisahin kung kinakailangan para matupad ang bawat gustuhin ng isang leader. Sa ibang salita, authoritarian rule ang gustong ipairal.

Kamakailan, personal na inihayag ng Pangulo na sisiguruhin niya na makalulusot sa Kamara de Represen-tante ang kasong impeachment laban kay Ombudsman Conchita Carpio Morales.

Samantala, sa impeachment case na naisampa na laban kay Supreme Court Chief Justice Ma. Lourdes Sereno, nakapagtataka na sa kabila ng pahayag ng petitioner na si Atty. Gadon na ang ilang reklamo niya laban kay Sereno ay hindi impeachable offense, mabilis na nagdesisyon ang Kamara na ito ay supisyente sa ground para maisulong.

Kaya hindi maiiwasang mag-isip ng mga mamamayan, ito kaya ay pahimakas ng unti-unting paglusaw sa mga institusyong itinalaga para magkaroon ng check and ba-lance sa pagpapatakbo ng gobyerno?

Mukha kasing ibang strategy ang ginagamit ng administrasyon para maabot ang layuning diktaduryang pamahalaan. Noon kasing panahon ni Presidente Marcos, hantaran ang naging paglusaw niya sa lahat ng co-equal branches of government na ang ipinalit ay puro mga “rubber stamp” agencies na sunud-sunuran sa kanyang kagustuhan.        

Kagulatgulat din na binuo ng Pangulo sa pamamagitan ng isang executive order ang Presidential Anti Corruption Council (PACC) na halatang ibig ipalit sa constitutional body na Ombudsman. Ayos lang ang pagwasak sa mga lehitimong kaaway ng Republika tulad ng mga drug lords at iba pang klase ng kriminal. Ngunit kapag ang winawasak ay ang mga institusyong tanod ng demokrasya, mukhang wala sa hulog ito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with