^

PSN Opinyon

CHR budget buti ibinalik

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

BOBO ang katwiran ng 119 kongresista na tumapyas sa P1,000 lang sa 2018 budget ng Commission on Human Rights. Anila, hindi ginagawa ng CHR ang tungkulin, dahil puro batikos lang sa paglabag ng pulis sa karapatang pantao, pero tahimik kapag mga adik o pusher ang luma­labag sa karapatan ng mga pulis. Ngek, e ano pa nga ba ang gagawin ng CHR?

Hindi naiintindihan ng 119 kongresista ang Saligang Batas. Kaya may CHR ay para tugunan ang pag-aabuso ng mga otoridad. Binibigyan ng estado ng kapangyarihan ang mga piling opisyal -- pulis, sundalo, tagabilanggo -- para ipatupad sa mamamayan ang batas. Inaarmasan pa nga sila, at hinahasa sa gan’ung tungkulin. Kapalit ng poder, pinapatawan sila ng mas mahigpit na mga alituntunin. Hindi sila maari basta manamit ng kung ano o tumira sa kung saan nais. At binabantayan ang kilos nila sa “tanod” ng karapatang pantao. Batay ‘yan sa daan-libong taon na karanasan ng tao sa batas, poder, at pang-aabuso. Kaya nga may CHR na unang tumungo sa pook ng Maguindanao Massacre nu’ng 2009, na ginawa ng mga pulis at militiamen sa utos ng opisyales doon.

 Hindi na kailangan ng tanod na CHR laban sa pang-aabuso ng mga kriminal. Kumikilos sa labas ng batas ang mga terorista, drug lords, at pati mga marahas na adik na bumibiktima sa sariling kaanak. Buong lakas sila tinutugis ng lipunan -- sa pamamagitan ng mga pulis, sundalo, at tagabilanggo. Kung saktan o pasla-ngin nila ang mga alagad ng batas, lalo sila tutugisin. Kaya hindi na kinailangan ng CHR para batikusin ang Maute terrorists na namugot, nagnakaw, at nanunog sa Marawi. Nandoon na ang mga pulis, sundalo, tagabilanggo para pigilan sila.

Ganyan ang kaayusan at tungkulin ng mga tanod ng karapatan sa ano mang matinong bansa

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

vuukle comment
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with